^

Punto Mo

Paano iiwas sa heartburn?

DOKTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG madalas na pagkakaroon ng heartburn ay posibleng magbigay-daan sa kondisyong Gastroesophageal Reflux Disease (GERD). Hindi biro ang pakiramdam na parang may sinisilaban sa loob ng dibdib kapag umakyat ang stomach acid papuntang la­lamunan.

Upang makaiwas sa heartburn, ipinapayo ko ang mga sumusunod:

1. Magbawas ng timbang. Nagdudulot ng pressure sa stomach ang sobrang timbang.

2. Huwag magpaka-bundat sa tuwing kakain. Ugaliing kumain lamang ng kaunti. Nababawasan nito ang pressure na ipinapatong sa stomach.

3. Huwag agad hihiga pagkakain. Ito ay para bigyang-daan ang kinain na malusaw at makapunta na sa small intestine. Sa gayon, malayo ang tsansang makapuslit ang stomach acid paakyat ng lalamunan.

4. Maupo muna o tumayo matapos kumain. Maghintay ng 2-3 oras bago tuluyang humiga o matulog.

5. Itaas ang ulunan ng kama. Gumamit ng unan o mga tiniklop na tela sa ulunan upang mas nakaangat ang ulo kaysa sa katawan. Ma­iiwasan ng posisyong ito ang pagbalik ng stomach acid sa lalamunan.  

6. Huwag mag-ehersisyo matapos kumain. Maghintay ng 2-3 oras makakain bago sumabak sa matinding gawain gaya ng pag-eehersisyo.

7. Iwasan ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagbibigay-daan upang bumalik ang stomach acid sa lalamunan. Nakatutuyo ng laway ang paninigarilyo. Nakatutulong ang laway para mapa­ngalagaan ang esophagus mula sa stomach acid.

8. Limitahan ang pag-inom ng alak. Kasama sa epekto ng alak ay ang pagiging masyadong relax ng pamiit (sphincter) sa taas ng stomach. Kapag masyadong relaxed ang pamiit, madaling makakapuslit ang stomach acid paakyat ng lalamunan.

9. Umiwas sa kape at tsokolate. May mga inumin at pag­kaing nagdudulot ng mataas na produksyon ng stomach acid gaya ng kape (at iba pang inuming may caffeine), tsokolate, maaanghang na pagkain, sibuyas, at mint.

10. Limitahan ang pagkain ng maaasim na prutas at kamatis. Acidic ang mga ganitong pagkain kaya lalong darami ang produksyon ng stomach acid.

11. Bawasan ang pagkaing mamantika. Nare-relax ang pamiit ng stomach dahil sa mga mamantikang pagkain kaya nakakapuslit ang stomach acid paakyat sa lalamunan. Pinatatagal ng mamantikang pagkain ang pagkalusaw ng pagkain sa small intestine. Mas matagal tuloy na nakatengga sa stomach ang acid kaya mataas din ang tsansang makapuslit ito sa pamiit.

12. Iwasang gumamit ng girdle. Huwag magsuot ng masikip o mahigpit na damit. Nagdadagdag ito ng pressure sa stomach.

ACID

BAWASAN

GASTROESOPHAGEAL REFLUX DISEASE

GUMAMIT

HUWAG

ITAAS

LIMITAHAN

MAGHINTAY

STOMACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with