^

Punto Mo

Lampong (215)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“H­ INDI ka ba nagbibiro Tina? Tutulungan mo si Sir Dick?’’ Tanong ni Mulo na hindi makapaniwala na ganoon kabilis na makukumbinsi si Tina. ‘‘Oo. Nakita ko kasi na seryoso si Sir sa gagawing pagsorpresa kay Mam Jinky. At saka gusto ko na ring makita na mayroong lalaking matino na manliligaw kay Mam?’’

“Anong ibig mong sabihin, Tina? Mayroong nanliligaw kay Jinky?’’

“Marami po, Sir. Pero naku, halatang gusto lang matikman si Mam.’’

‘‘Pero wala pa siyang sinasagot sa mga manli­ligaw niya, Tina?’’

‘‘Sa pagkaalam ko po ay wala pa. Pero may isang masyadong ma­higpit manligaw kay Mam at sabi ay gagawin daw ang lahat para siya ang manalo.’’

‘‘Taga-saan naman ang lalaking iyon, Tina?’’

‘‘Taga-Bgy. Ningning po Sir Dick. Malapit lang dito.’’

‘‘Ano naman ang katayuan ng lalaking iyon. I mean, maayos ba ang buhay niya?’’

‘‘Maykaya po siya. Ma­laki ang taniman ng kalamansi at may palaisdaan. Maraming alagang hito at dalag. Ang sasakyan niya ay Montero.’’

Napalunok si Dick. May­kaya nga. Siya ay walang sasakyan at nagtraysikel lang patungo rito.

“Ano naman ang itsura? Siguro guwapo.’’

Napangiwi si Tina.

“Bakit ka napangiwi, Tina?’’

‘‘Hindi po ayos ang karakas, Sir Dick.’’

“Pangit?’’

Tumango.

‘‘Butas-butas po ang mukha dahil sa tagihawat. At sa tingin ko po ay antipatiko. Porke marami siyang pera e akala kung sino.’’

‘‘Pero ano sa palagay mo, type kaya ni Jinky?’’

“Hindi ko po masabi, Sir. Kasi’y kapag umaakyat ng ligaw si Bukbok e nasa isang room sila.’’

“Bukbok ang tawag sa lalaki?’’

‘‘Yun lang po ang tawag namin dahil naiinis kami ng mga kasamahan ko. Marami po kaming naiinis kay Bukbok.’’

‘‘Kailangan pala ay makipagkita na ako kay Jinky.’’

“Pero sorpresahin mo po Sir Dick para nakaka­kilig. Ako po ang bahala kung paano ka makakapasok sa bahay ni Mam. Ibibigay ko rin ang mga iskedyul niya para nasu­sundan mo siya kung saan nagpupunta. Huwag ka pong mangamba at tutulungan kita.’’

‘‘Kailan ako pupunta sa bahay ni Jinky, Tina?’’

“Bukas na po ng gabi. Hihintayin po kita sa may sapa. Ituturo ko sa iyo ang lahat.’’

(Itutuloy)

 

ANO

BUKBOK

JINKY

MAM JINKY

MARAMI

PERO

SHY

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with