^

Punto Mo

Paalala

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

KAHAPON ng madaling araw ay nagising ako dahil sa sirena at sigawan ng mga tao. May sunog pala sa likuran ng aming condo. Unang pagkakataon kong maka-witness ng sunog. Napakalaki ng apoy at nilalamon ang mga bahay. Nakakakilabot habang nakikita kong nagkakarga ng mga appliances ang mga kapitbahay namin. May humahawi ng mga tao para makadaan ang trak ng mga bumbero. Nakakatakot. Napaka-helpless ng pakiramdam ko na nanonood lamang at walang magawa habang maraming lumilikas.

Hindi pa natutukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog. May mga nagsasabing aksidente at may mga naghihinala namang may nagpasunog talaga sa bahay ng informal settlers na ito dahil matagal na silang pinaaalis. Sana naman ay hindi ang huli. Nakakalungkot isiping magsusunog tayo ng mga bahay at mga tao para lamang mapalayas ang mga ito. Bagamat sila ay squatters, sila ay tao rin na may buhay na dapat pinahahalagahan.

Kung aksidente ang pinagmulan ng sunog, narito ang ilang paalala upang makaiwas dito:

* Huwag magsaksak nang marami sa extension cord. Huwag namang abusuhing ang lahat ng butas ay sasaksakan ng plug.

* Huwag maglagay ng mga kordon sa ilalim ng mga rugs at lugar na laging natatapakan.

* Hugutin ang nakasaksak kapag umusok, sumiklab o umaamoy.

* Isipin at planuhin ang posibleng fire escape plan sakaling magkaroon ng sunog. Minsan kasi ay iniisip lang natin ito kapag may sunog nang nagaganap.

* Siguruhing alam ng bawat miyembro ng inyong pamilya ang inyong escape plan para kahit magkakahiwalay kayong lumisan sa bahay ay alam kung saan dadaan at saan kayo magkikita-kita sa labas.

* Itabi ang mga kagamitang maaaring pagmulan ng apoy lalo na kapag may bata sa bahay na malikot. Baka akalain nilang laruan ito.

* Ipaskil ang numero ng telepono nang pinaka-malapit na fire station sa inyo para agad makatawag ng saklolo.

 

vuukle comment

BAGAMAT

HUGUTIN

HUWAG

IPASKIL

ISIPIN

ITABI

MINSAN

NAKAKAKILABOT

NAKAKALUNGKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with