^

Punto Mo

Parang eksena sa pelikula

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang eksena sa pelikula ang insidenteng pagtangay ng may 20 armadong kalalakihan sa tatlong Chinese drug lord habang papunta sa hearing ang mga ito kamakalawa sa Trece Martires City sa Cavite.

Ang tatlong dayuhan na nakilalang sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy, Wang Li at Li Tian Hua ay nakapiit sa Cavite Provincial Jail at dadalo lamang sa hearing nang agawin sa kanilang mga escort ng mga armado.

Sakay ng patrol car patungong korte ang tatlong dayuhan kasama ang apat na provincial jail guard kung saan doon na sila hinarang ng puting van at sapilitan na ngang kinuha ang sinasabing mga drug lord.

Ang matindi pa rito, bago ang pag-agaw sa mga bilanggo may report na nagpahayag daw ang mga Instik na ito na handa silang magbayad kahit magkano sa sinumang makakapagpatakas sa kanila sa kulungan.

Parang napanood ko na sa isang pelikula ang ganiton eksena.

Aba’y talagang may pera at kayang magbayad ng mga ito. Hindi nga ba’t si Li Lan Yan, alyas Jackson Dy ay sangkot sa ni-raid na shabu laboratory sa Tanza, Cavite noong 2003  kung saan aabot sa P2.3 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nagtakas sa tatlong Tsino. Posibleng mga kasamahan nila sa sindikato ng droga, pero may duda rin ang pulisya na ma­aaring criminal­ group din na kumagat sa alok na pabuya ng mga ito.

Nagpakilos na ang PNP ng tracking team upang tugisin ang mga ito at maging ang mga nagtakas sa kanila, pero may nagsabing pwedeng wala na sa bansa ang tatlong Instik.

Dapat na matutukan ng mga awtoridad ang ganitong uri ng kaso, ang nakakatakot kasi rito baka ganito nang ganito ang mangyari lalu na sa mga nadadakip na high profile criminals at kayang magbayad sa kanilang mga pagtakas.

Malamang din na ang pangyayaring ito ay magamit ng mga pulitiko sa kanilang pagpapapogi at kampanya. Wait lang kayo.

vuukle comment

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL JAIL

INSTIK

JACKSON DY

LI LAN YAN

LI TIAN HUA

TRECE MARTIRES CITY

WANG LI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with