Huwag pigilin ang pag-utot habang nakasakay sa eroplano
NAGKAROON ng pag-aaral ang mga gastroenterologists ukol sa pag-utot sa eroplano. Nagsagawa rin sila ng survey ukol dito at naglabas sila ng artikulo na may pamagat na: “Pag-utot sa eroplano: Huwag pigilinâ€.
Una nilang pinag-aralan ang kalagayan ng piloto habang nasa bingit ng pag-utot. Dapat bang pigilin niya o hayaang lumabas.
Kung pipigilin ng piloto ang pag-utot, maaaring magdulot ng panganib. Dahil may feeling na discomfort, maaaring maÂapektuhan ang pagpapalipad at manganib ang biyahe.
Kung hahayaang lumabas, maaaring maamoy ng co-pilot at maaari ring maging dahilan ng panganib sa kaligtasan.
Dahil dito, nirekomenda ng gastroenterologists na lagyan ng charcoal (uling) ang ilalim ng kutson ng upuan. Ang charcoal umano ay naaalis ang masamang amoy— lalo ang utot.
Pero ang solusyon na ito ay para lamang sa economy class. Hindi raw puwede sa first class dahil leather ang seat covers doon.
Breast pump naghatid ng takot sa mga tao
NABALOT ng takot ang mga naninirahan sa isang lugar sa Hemet, California. Paano’y nakita nila ang isang suspicious na bagay na nakalagay sa mailbox ng isang bahay. Mayroong nakalitaw na wires at naghinala sila na bomba ang nasa mailbox.
Agad na tumawag ng bomb squad ang mga residente. Nang duÂmating ang bomb squad, agad na ini-evacuate ang mga tao sa lugar. Nilapitan ang bagay na nasa mailbox at sinuri.
Nang matiyak kung ano iyon ay kinuha sa mailbox. Isang breast pump pala o yung panghigop ng gatas sa suso ng ina. Nagbalikan sa bahay ang mga tao.
- Latest