^

Punto Mo

Editoryal - Retrato ng mga sakit mula sa pagyoyosi i-print sa pakete

Pang-masa

DITO sa Southeast Asia, Pilipinas na lamang ang hindi naglalagay ng graphic health warnings sa kaha o pakete ng sigarilyo. Napag-iiwanan ang Pilipinas kaya darating ang araw, maraming maysakit dito na nakuha sa paninigarilyo kumpara sa ibang bansa. Mabisang paraan ang paglalagay ng picture ng mga sakit sa pakete sapagkat nakikita kung gaano kalubha ang sakit na makukuha sa paninigarilyo. Kabilang sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay cancer sa baga, bibig, lalamunan, pisngi, dila, emphysema, katarata at sakit sa puso.

Subalit sa kabila na 46 na bansa na ang naglagay ng graphic health warnings, tila walang pakialam ang Pilipinas sa isyung ito. Walang pagpupursigi para mai-print ang mga sakit.

Sa ginawang pag-aaral, maraming tumigil sa paninigarilyo nang makita ang nakaririmarim na sakit na nakalarawan sa kaha ng yosi. Nabawasan ang bilang ng mga nagyoyosi sa Thailand, Australia at Canada makaraang ilagay ang mga larawan ng sakit sa kaha ng yosi.

Dahil sa laki ng epekto ng graphic warnings sa Thailand, binabalak pang lakihan ang graphic sa space ng kaha. Umano’y gagawing 85 percent ang ookupahing space sa kaha mula sa dating 55 percent. Mas malaki ang nakikitang larawan ng sakit, mas malaki ang epekto sa mga nagyoyosi.

Pinaka-malaki naman ang size ng graphic warnings sa Australia, 82.5 percent ng kaha. At bukod doon, mas matindi at mas maliwanag ang picture ng mga sakit na nakikita sa kaha. Ang Canada naman ang kauna-unahang bansa na naglagay ng graphic warnings sa kaha noong 2001.

Dito sa Pilipinas, tahimik ang mga mambabatas sa isyu ng graphic warnings. Ang dalawang senador na nagsusulong ng batas para ilagay ang graphic warnings ay wala nang naririnig. Kailan kikilos ang gobyerno para maipasa ang batas ukol sa graphic warnings? Kapag marami nang may cancer sa baga?

ANG CANADA

DAHIL

DITO

GRAPHIC

KAHA

PILIPINAS

SAKIT

SOUTHEAST ASIA

WARNINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with