Buwanang pagbabago (Part 2)
Ika-13 buwan - kaya nang dalawang salita ang mga pangungusap at nakakayuko at tuwad na upang pumulot ng mga gamit.
Ika-14 na buwan - mahilig nang manggaya, kumakain gamit ang mga kamay.
Ika-15 buwan - naglalaro ng bola, kaya ng lumakad ng paurong o paatras
Ika-16 na buwan - kaya nang maglipat ng pahina sa aklat, nagtatantrums na kapag hindi nakuha ang gusto, may paborito ng stuffed toy o unan.
Ika-17 buwan - mayroon nang mahigit sa anim na mga salita ang regular na sinasabi, mahilig na maglaro ng kunwa-kunwarian, mahilig sumakay sa mga sasakyang laruan.
Ika-18 buwan - kusang nagbabasa ng mga libro ng mag-isa at natututo na magdrowing drawing ng kaunti.
Ika-19 na buwan - marunong nang humawak at gumagamit na ng kutsara at tinidor; nasisiyahang tumulong sa bahay at mautusan ng kaunti
Ika-20 buwan - kaya nang maghubad ng sariling damit at magtapon kunwari ng mga bagay tulad halimbawa ng basura.
Ika-21 buwan - kaya nang umakyat ng hagdan at nakakagawa na ng mga simpleng desisyon - tulad ng maglagay ng gamit o laruan sa mga lugar, o magtago sa likod ng mga furniture o kurtina sa bahay.
Ika-22 buwan - kayang sumipa ng bola at maging ang sumunod sa mga simpleng utos - gaya ng “kunin mo ang (bagay)â€.
Ika-23 buwan — ka-yang pangalanan ang mga larawan sa mga libro at nasa halos 50-70 ang mga salitang sinasabi
Ika-24 na buwan — ka-yang magpangalan ng mahigit sa anim na bahagi ng katawan at kaya nang bumuo ng mga pahayag gamit ang dalawa hanggang tatlong salita.
Ang mga ito ay ang tala ng mga nagagawa ng halos lahat ng bata, ngunit huwag mangamÂba kung hindi on-time ang iyong anak. Iba-iba ang learning rate ng mga anak natin. Hindi kailangang mabahala. Enjoyin ang bawat saglit ng kanilang paglaki dahil bago natin mamalayan ay malalaki na sila at iba na ang gusto nilang makapiling.
- Latest