^

Punto Mo

Lampong(201)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM si Dick sa kanilang opisina. Magbabakasyon ng isang linggo. Agad namang pumayag ang may-ari ng kompanya. Matagal na rin kasing hindi nagbabakasyon si Dick. Pawang trabaho ang inaatupag nito. Sabi ng may-ari ng kompanya, kung gustong mag-extend ni Dick ng bakasyon, itawag o e-mail lang para nalalaman ng opisina. Iyon ang unang pagbabakasyon ni Dick makaraan ang mga “trahedyang” dinanas niya sa pakikipagrelasyon kay Puri.

Naghahanda si Dick ng mga damit niya na dadalahin sa pagtungo sa Mindoro nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Nahuhulaan na niya kung sino iyon. Iisa lang naman ang tumatawag sa kanya. Ang kuya niya na nasa Australia.

Tama ang hula niya. Ang kuya nga niya.

“Kumusta ka na Dickinson? Ayan ha, hindi na kita tinawag ng lampong dahil sabi mo e nagbago ka na. Gusto ko ngang maniwala na “nababa-ding” ka na, ha-ha-ha!”

Nagtawa rin si Dick.

“Hindi ako nababading Kuya. Ang sagwa ko sigurong bading kung totoo ang sinabi mo.”

“Tiyak yun. Makikibalita lang naman ako kung ano ang kalagayan mo ngayon. Kasi nga’y sabi mo e baka hindi ka na umibig dahil sa ginawa sa’yo ni Puri na dati mong siyota.”

“Okey naman ako Kuya. Medyo naghahanap na uli ng makakalampungan pero iba na ang prinsipyo ko. Kapag nakakita ako ng makakalampungan e pakakasalan ko na at aanakan ko na.’’

“Ha-ha-ha! Sabi ko na’t hindi ka makakatagal. Teka e sino ba ‘yang prospect mong kakalampungin?”

“Jinky ang pangalan, Kuya.”

“Aba okey ang panga­lan ah. Mukhang kakai­ba ang dating.’’

“Mukha nga Kuya.”

“Mga ilang taong gulang na ba ‘yan? Hindi kaya katulad ni Puri yan?”

“Hindi naman siguro. Mga 25 anyos siguro si Jinky.”

“Wow, bata pa yan.”

“Oo Kuya.”

“Saan nakatira?”

“Sa Mindoro. Bukas nga paalis ako.”

“Mindoro? Malayo yun ah. Doon yung mga Mangyan?”

“Oo Kuya. Sasakay ako ng ferry sa Batangas at saka bibiyahe ng tatlong oras by land.’’

“Okey sige mag-ingat ka. Tatawagan na lang kita.’’

“Salamat Kuya.”

Kinabukasan, bumiyahe na si Dick. Pagdating sa Batangas Port, excited siya. Mga dalawang oras daw ang biyahe sa ferry.

Ano kayang itsura ni Jinky? Magugulat tiyak si Jinky kapag nakita siya.

(Itutuloy)

BATANGAS PORT

DICK

JINKY

KUYA

MINDORO

NIYA

OO KUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with