^

Punto Mo

Paano itataas ang grade sa school(Part 2)

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

SA nakaraang kolum, nagbigay ako ng mga payo para tumaas ang iyong grade sa eskuwelahan. Heto pa ang ibang payo.

1. Pumili ng mga mabubuting kaibigan. Kapag masisipag ang iyong kaibigan ay magagaya ka rin sa kanilang asal. Ngunit kung puro bulakbol lang ang ginagawa, bababa rin ang iyong grade.

2. Gumawa ng sample tests at guides. Ang turo ng aking U.P. college teacher ay dapat daw malinaw at simple ang iyong notes. Para pagdating ng eksamen ay mayroon kang aaralin.

3. Gumamit ng memory tricks. Halimbawa, ang mnemo-nics ay ang paggamit ng unang letra ng salita para madali ito matandaan. Kaya kung gusto mo tandaan ang 3 bayani, ang kodigo ay BAR para kay Bonifacio, Aguinaldo at Rizal.

4. Puwede makatulong ang group study. Bago ang eksamen, puwedeng magsama-sama ang 3 hanggang 7 mag-aaral. Aralin ninyo ang isang leksyon bawat estudyante at ituro ito sa inyong kasama. Pero may tao rin na mas gusto mag-aral ng mag-isa.

5. Pagdating sa eksamen, i-budget ang iyong oras. Kung ang test ay 30 minutos, maglagay ng 15 minutos sa unang bahagi ng test at 15 minutos sa pangalawang bahagi. Puwede mo munang sagutin ang madadaling parte ng eksamen para tumaas ang iyong kumpiyansa sa sarili.

6. Matulog nang sapat. Kailangan mo ng 6 hanggang 8 oras ng tulog bawat gabi. Huwag ugaliin ang pagpupuyat bago ang pagsusulit. Mag-aral ng maaga para hindi kailangang maghabol sa huli.

7. Mag-ehersisyo. Kapag ikaw ay gumagalaw at naglalakad, mas gagana ang iyong sirkulasyon sa buong katawan, kasama na ang iyong utak.

8. Kumain ng mga pagkaing pampatalino. Oo, may tulong sa utak natin ang pagkain ng mani at matatabang isda tulad ng sardinas, tilapia, salmon at bangus. Mataas ito sa omega-3, na mabuti sa iyong utak at puso. Puwede ka rin uminom ng multivitamin, vitamin B complex o Omega-3 fish oil supplements.

9. Magdasal. Walang masama sa pagdarasal. Mas kalmado ka at handa sa iyong pagsusulit.

Dagdag payo para sa mga magulang: Kung ang anak mo ay may mababang grade sa school, puwede mo siya kausapin muna tungkol sa mga posibleng mangyari. Ipabatid mo na kahit siya ay bumagsak ay hindi magbabago ang iyong pagtingin sa kanya. Ngunit kung siya naman ay papasa, tataas ang tsansa niyang ma-ging matagumpay sa kanyang buhay. Pero tuloy pa rin ang iyong pagmamahal at pag-suporta sa kanya.

 

ARALIN

BONIFACIO

DAGDAG

GUMAMIT

IYONG

KAPAG

NGUNIT

PARA

PERO

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with