^

Punto Mo

Lampong (194)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

P­INIHIT-PIHIT ni Dick ang seradura ng pinto ng unit ni Puri. Sarado. Pawang alikabok ang nahipo niya sa seradura. Ibig sabihin ma­tagal nang hindi nabubuksan iyon. Dumako siya sa bintana sa pag-aakalang may masisilip siya roon pero wala siyang makita. Ma­dilim sa loob. Pa­wang alikabok din ang salamin ng bintana.

Inabandona na ang unit na ito. Wala na si Puri kaya baka hindi na rin pinagpatuloy ang pagbabayad. At dahil wala na si Puri, umalis na rin si Jinky. Maaaring nasa probinsiya na si Jinky. Wala naman siyang mapupuntahang iba kundi ang kanyang mama.

Sumisilip pa si Dick sa bintana nang makarinig siya ng yabag na papa­lapit. Nang tingnan niya ay isang lalaki.

‘‘Good afternoon, alam mo ba kung nasaan na ang nakatira sa unit na ito ?’’

“Hindi po Sir. Matagal na pong walang nakatira diyan. Hindi ko po alam kung kanino ang unit na iyan. Bago lang po ako rito. Diyan po ako sa ka­bilang unit.’’

“Ah, ganun ba? Sa­lamat.’’

“Salamat din po Sir.’’

Nagpaalam na si Dick.

Habang naglalakad, naisip niya na talagang karma ang dumapo kay Puri. Nawala lahat ang pinundar niya. Pati buhay ay nadamay. Malupit pala balik ng karma. Paano kaya si Jinky na naging kasangkapan din ni Puri ? Siguro naman ay hindi kasama si Jinky sa bagsik ng karma. At nagsisi naman si Jinky. Nagawa lang niya iyon dahil sa takot sa tiyahin.

Mula noon ay sinarado na ni Dick ang libro ukol kay Puri at Jinky­. Tapos na ang lahat.

Pero kahit na ganoon ang gawin niya, palagi niyang napapanaginipan si Jinky. Ang matindi, napapanaginipan niyang nagtatalik sila.

(Itutuloy)

DIYAN

DUMAKO

HABANG

IBIG

INABANDONA

JINKY

SHY

SIR. MATAGAL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with