^

Punto Mo

Lampong (192)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUNG bakla ka na Dickinson, ang pa-ngit mong bakla, ha-ha-ha!” sabi ng kuya ni Dick at tumawa nang tumawa. Wala namang reaksiyon si Dick.

Nagpatuloy ang kuya niya sa pagsasalita na parang nililibang lang si Dick.

“Pero wala sa ating lahi ang bakla. Siguro kaya ka tinatabangan na sa “kikay” ay dahil sa ginawa sa iyo ng babaing huli mong nakalampungan. Sino nga ang walanghiyang babaing iyon, Dickinson?”

“Puri.”

“Ang ganda pa naman ng name. Iyon pala, walang puri. Akalain mo, pinagpalit ka sa isang matanda. Siguro ay talagang mayaman kaya ka pinagpalit. Mayaman ba talaga, Dickinson?”

“Mayaman Kuya. Mara­ming business. May-ari ng condominium sa Roxas Blvd. at mayroon pa yatang barko na biyaheng Marinduque at Mindoro.”

“Mayaman nga. Siguro’y nakahiga na sa pera ang Puri na iyon. Mukhang pera pala ano.”

“Oo Kuya.”

“Pero noon e pinagmama­laki mo sa akin ang Puri na iyon. Sabi mo magkasundung-magkasundo kayo. Pareho kayong ayaw magkaanak at ayaw ding patali o pakasal sa isa’t isa. Sabi mo pa, siya na ang huling makakalampungan mo dahil hindi ka na magmamahal pa ng iba.’’

“Nagkamali ako Kuya.’’

“Hindi ka kasi nakinig sa akin. Sana ay yung si Sarah na lang ang tinuluyan mo. Palagay ko mabuting babae yun.’’

“Hindi na maibabalik ang nakaraan, Kuya. Kaya nga para hindi na ako magkamali e hindi na muna makikipag­lampungan. Saka na lang. Magtatrabaho na lang ako nang magtatrabaho. Mag-iipon ako nang mag-iipon ng pera para maging bil­yonaryo na katulad nang matandang sinamahan ni Puri.’’

Nagtawa ang Kuya niya.

“Sige magpayaman ka nang todo. Pero kapag nakakita ako ng babae rito sa Australia na babagay sa’yo, irerekomenda kita.’’

“Huwag na Kuya.’’

“Pag meron lang akong nakita. Kung wala e di wala.”

“Basta maligaya na ako sa buhay ko ngayon, Kuya.”

“Sige Dickinson, magpayaman ka nang todo para mapantayan mo si Tanda na sinamahan ng walanghiyang si Puri.”

Nagpaalam na ang kuya niya.

ISANG umaga na nagbabasa ng diyaryo si Dick, napagtuunan niya ng pansin ang photo ng isang babaing natagpuang patay sa condominium. Si Puri ang babae!

(Itutuloy)

DICKINSON

KUYA

MAYAMAN

MAYAMAN KUYA

OO KUYA

PERO

PURI

ROXAS BLVD

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with