KUNG dito sa Pilipinas ay may gun ban, sa Canada naman ay pinagbabawal ang pagdadala ng “gunbrellaâ€. Lahat nang magdadala ng “gunbrella†ay aarestuhin at parurusahan. Dahil sa mahigpit na kautusan, napilitan nang itigil ng isang shop sa British Colombia ang paggawa ng “gunbrellaâ€.
Ang “gunbrella†ay payong na ang handle ay katulad sa baril. Kapag nakatiklop ang “gunbrella†aakalain itong tunay na baril. Ang iba ay isinasakbat pa sa balikat ang “gunbrella†kaya lalong nagmumukhang baril ang dala.
Ang paghihigpit sa pagdadala ng “gunbrella†ay nag-umpisa nang isang lalaki ang arestuhin ng mga pulis sa train station. Isang commuter ang tumawag sa mga pulis at sinabing isang lalaki ang may dalang baril. Agad rumesponde ang mga pulis at inaresto ang lalaki.
Ayon sa isang pulis, kung nagkamali ng kilos ang lalaki, baka binaril nila ito. Kasi’y akala nila talaga ay baril ang hawak ng lalaki. Iyon pala ay payong na ang handle ay parang sa baril.
Kaya ang payo sa publiko huwag magdala ng gunbrella.