Ganoon silang mag-Ingles...
Sa Tokyo Hotel: Is forbitten to steal hotel towels please. If you are not person to do such thing is please not to read notis. (Ang labo naman! Lalo tuloy kayong nanakawan ng towel.)
Sa Bucharest hotel lobby: The lift is being fixed for the next day. During that time we regret that you will be unbearable. (Bukas pa raw mare-repair ang elevator. Huwag raw sana kayong mabuwisit sa English nila, e, hindi pala, humihingi sila ng pasensiya sa abalang idinulot ng pagkasira.)
Sa Paris hotel elevator: Please leave your values at the front desk. (Ha? Iwanan daw ang kagandahang asal sa front desk? A, baka valuables o mahahalagang gamit…)
Sa Yugoslavian hotel: The flattening of underwear with pleasure is the job of the chambermaid. (Puwedeng magpaplantsa ng panty o brief sa chambermaid? O, damit ang ibig sabihin nila sa underwear.)
Sa Moscow Hotel na malapit sa sikat na semen-teryo: You are welcome to visit the cemetery where famous Russian and Soviet composers, artists, and writers are buried daily except Thursday. (Sa biglang intindi, araw-araw ay may inililibing maliban lang kung Huwebes.)
Sa menu ng isang Swiss restaurant: Our wines leave you nothing to hope for. (Basta, gusto lang nilang sabihin na masarap ang wine nila.)
Sa East African newspaper: A new swimming pool is rapidly taking shape since the contractors have thrown in the bulk of their workers. (Itinapon daw ang mga construction workers sa mismong pool na ginagawa nila? A, ang gusto nilang sabihin ay kumuha sila ng maraming workers para mapabilis ang construction ng bagong pool. Hayyy…)
(Itutuloy)
- Latest
- Trending