Editoryal - Kahit sa courtroom walang seguridad
SAAN pa bang lugar ligtas ngayon ang mamamayan? Tila wala na. Kahit nga sa courtroom ay hindi ligtas ang mamamayan o kahit ang mga abogado, judges at prosecutors. Isang halimbawa ay ang nangyaring pamamaril sa Palace Hall of Justice sa Cebu City noong Martes na tatlong tao ang napatay. Sa nangyari, maitatanong kung nabibigyan ba ng atensiyon ang seguridad sa courtrooms sa buong bansa. Ang nangyari sa Cebu court ay nagpapakita lamang na hindi na natuto sa mga nagdaang insidente ang mga awtoridad. Walang nakuhang aral.
Noong Marso 14, 2007 isang lalaki na nagngaÂngalang Al Bautista ang nang-hostage ng apat na tao sa Taguig City Hall of Justice. Pawang mga empleado ng korte at isang abogado ang hinostage ni Bautista na armado ng handgun at granada. Napilitang barilin ng mga pulis si Bautista nang magpaputok ito ng baril. Nailigtas ang apat na hostages.
Naging palaisipan kung paano naipasok ni Bautista ang baril at granada sa loob. Nagalit ang noon ay Chief Justice Reynato Puno dahil sa maluwag na security na pinaiiral sa Taguig court. Inatasan niyang rebyuhin ang security measures sa loob ng mga korte sa buong bansa. Ayaw na niyang maulit ang nangyaring pangho-hostage. Nararapat daw na magkaroon ng mahigpit na pag-iinspeksiyon sa lahat ng mga papasok sa loob ng gusali ng korte.
Pero wala ngang nakuhang leksiyon ang awtoridad sa nangyari sa Taguig sapagkat naulit iyon sa Cebu court. Isang Canadian na maraming kaso ang walang puknat na namaril. Tatlong tao ang napatay niya bago nagbaril sa sarili.
Nakapagtataka ay kung paano naipasok ng CaÂnadian ang kanyang mga baril. Maluwag ang securityÂ. Hindi na nag-inspection ang mga guwardiya. Masyado kayang nagtiwala dahil dayuhan ang papasok. Ang pagiging relax ng guwardiya ang naging dahilan ng madugong pagpatay.
- Latest