Lampong (188)
P ATULOY sa pagkukuÂwento ang babae. HinaÂyaan ni Dick para malaman niya ang nangyari kay Gina na Regie na pala ang bagong pangalan. Akalain ba niyang ang napangasawa nito ay ang may-ari ng banko.
“Suwerte nga po si Mam Regie. Inggit na inggit po kami. Masyado pong nabaitan sa kanya ang biyudong may-ari ng bankong ito. Napaibig talaga sa kanya. Nataon din po kasi na nag-break daw si Mam Regie at ang boyfriend niya noon. Ang dating boyfriend daw po ni Mam Regie ay hindi naniniwala sa kasal at ayaw din mag-anak. Ibang klase raw na lalaki ang dating boyfriend. Gusto raw yata ay sisiyotain habambuhay si Mam Regie. Kaya nang mag-break daw sila ay umiyak din siya nang umiyak pero kailangan daw niyang tanggapin ang lahat. Hanggang sa mapansin siya ng biyudo naming boss. Nagpakasal sila at may anak na ngayon. Ang cute ng anak nila. Dinala rito minsan. Napakasuwerte ni Mam Regie. Mabuti na lang at hindi ang sira-ulo niyang boyfriend ang nakatuluyan, tiyak na dusa siya.â€
Nasaktan si Dick. Siya ang tinutukoy ng babae. Mabuti na lang at hindi siya nagpakilala rito. Mabuti rin at hindi siya nagtungo rito noong sila pa ni Gina o Regie ang magsiyota. Kung hindi, kahiya-hiya siya.
“Sige Mam salamat sa inpormasyon kay Gina este Regie pala.’’
“Sino ka po ba Sir at sasaÂbihin ko kay Mam Regie na may naghahanap sa kanya. Baka po pumunta rito yun bukas.’’
“Sabihin mo na lang na isang kaibigan niya.’’
“Sige po, Sir.’’
Umalis na si Dick. Laglag na naman ang balikat niya.
Pero hindi pa rin siya suÂmuko sa paghahanap sa iba pang nakarelasyon niya. Baka sakaling may nag-iisa pang available.
Sunod niyang hinanap si Charie. Si Charie ay artist sa isang ad agency na nasa Pasong Tamo, Makati.
Tinungo niya ang opisina nito. Isang lalaking artist din ang napagtanungan niya.
“Sir dito pa nagwo-work si Charie?â€
Napangiti ang lalaki.
“Hindi na Sir. Bigatin na si Charie. May sarili nang agency sa Roxas Blvd. Yung mister niya ay isang mayamang foreigner na ang forte ay advertising. Nagtayo sila ng sariling kompanya at isa sa top ad agency ngayon. Itong kompanya namin ay walang sinabi sa kompanya ni Charie.â€
Nanlupaypay si Dick. Wala na yatang pag-asa na may mabalikan siya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending