Kaya mong magbago!
MAYROON akong kaibigan. Napakahilig niyang kumain kaya sobrang taba. Sa Amerika nag-aaral ang kaibigan ko at sa tuwing umuuwi siya ay mas mataba pa lalo. Natural na nag-aalala kaming mga kaibigan. Sa tuwing tinatanong namin siya kung bakit ayaw niyang magdiyeta at mag-ehersisyo para pumayat. Sagot niya: “Ayaw kong mabuhay nang matagal. Malungkot. Baka mamatay na lahat sa pamilya at mga kaibigan ko tapos ako buhay pa. Di baleng mauna ako. At least enjoy ko pa ang buhay.â€
Pero nang makita ko ang aking kaibigan last week, matapos ang dalawang taong hindi pag-uwi ng Pinas, nagulat ako nang makita siyang napakalaki ng nawalang timbang! Tinanong ko kung bakit. Sabi niya sa edad 26 ay mayroon na siyang high blood. Iyon daw ang kanyang naging wake up call kaya sinimulan ang pagbabago ng lifestyle at pagkain.
Inalam ko kung ano ang mga binago niya sa mga dating gawi at kung ano ang mapapayo niya sa mga matataba.
Kapag ginusto mong magdiyeta, magagawa mo. Huwag mong isiping ang pagbabago sa iyong pagkain ay panandaliang diyeta lamang kundi isang pagbabago sa iyong permanenteng eating plan. Sabi umano ng kanyang cardiologist, lahat ng tao ay kayang pumayat. Lalo na kung minsan dati ay nabawasan ka na ng timbang kahit panandalian lang. May pag-asa kang gumaan pa ulit kahit gaano na karami ang naidagdag sa timbang mo. Huwag mawalan ng pag-asa. It is never too late.
Hinay-hinay sa pagkain sa labas. Hindi mo alam ang dami ng langis at asin na nasa iyong pagkain. Kumpara sa kapag ikaw ang mismong naghahanda nito, o sa bahay mo niluluto.
Hindi totoo ang sinasabi ng mga taong wala silang oras mag-ehersisyo. Dahil kapag ginusto mo, maraming paraan. Makakahanap ka ng oras. Kahit sa mga simpleng paraan ay makakapagpapawis ka. Ang maglakad at maghagdan etc. Mayroon ding tinatawag na interval training kung tinatamad ka sa mga matatagal na ehersisyo may machines pa. Ang interval training ay maikli ngunit mabilis at walang pahinga pero napaka-epektibo.
Hindi pa huli ang lahat upang magsimula ng bagong routine. Sabi raw ng kanyang doctor kaya napakaraming mga lolo at lola na buhay pa at malalakas ay dahil regular silang nag-eehersisyo, kumakain nang tama at umiiwas sa mga pagkaing bawal. Sinusunod nila ang payo ng doktor.
- Latest
- Trending