^

Punto Mo

Lampong (186)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“H INDI ka na sumagot Dick. Kumusta ka na?”

Nagulat pa si Dick sa tanong ni Sarah.

“Ha a e mabuti naman Sarah.”

“May pamilya ka na, Dick?”

Lalong namutla si Dick. Pero kailangan niyang su­magot.

“A e wala pa. Wala pa Sarah.’’

Napangiti lamang si Sarah. Pero sa ngiti nito ay halatang mayroong ibig sabihin.

“Saan ka pupunta, Dick?”

“A e diyan lang sa bookstore, Sarah. May bibilhin lang. Kayo saan ang punta n’yo ng kids mo?”

“Diyan sa department store, bibili ako ng sapatos.’’

“Ah ganoon ba.”

“Naalala ko ang sapatos. Di ba ang sapatos ang dahilan kaya tayo nagkakilala noon. Naalala ko nang mabuslot ang takong ng sapatos ko sa butas ng takip ng imburnal. Kung hindi mo ako naalalayan baka natumba ako.’’

“Oo nga. Naalala ko nga yun.’’

“Sige, Dick. Dito na kami. Nice meeting you.’’

“Sige Sarah. Bye.’’

Umalis na ang mag-ina. Tinanaw ni Dick ang mag-ina. Hinayang na hinayang si Dick. Sana ay siya ang ama ng mga anak ni Sarah.

Umalis na si Dick.

Nang nag-iisa na siya sa kanyang condo, naisip niya, hanapin kaya niya ang mga nakarelasyong babae, ma­liban kay Puri. Oo nga. Baka may mga available pa sa mga nakarelasyon niya. Baka puwede pa siyang magbalik sa mga ito.

Una niyang hahanapin si Maritess. Matagal din silang naging mag-on ni Maritess.

Bakasakali, single pa ito.

Hinanap niya si Maritess kinabukasan.

(Itutuloy)

BAKASAKALI

DICK

MARITESS

NAALALA

OO

PERO

SARAH

SIGE SARAH

UMALIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with