^

Punto Mo

Ang katapatan ng asong si Ciccio

MGA KWENTONG KAGILA-GILALAS - Arnel Medina -

KAPAG narinig na ng asong si Ciccio ang tugtog ng kampana sa Santa Maria Assunta Church sa San Donaci, Italy, nagmamadali siya sa pagtungo. Dederetso siya sa altar at mauupo roon hanggang sa matapos ang misa. Si Ciccio ay 12-year-old German shepherd. Nakaugalian na niyang dumalo sa misa araw-araw. Nakasanayan na niya sapagkat lagi siyang kasama ng kanyang among babae sa pagsisimba noong nabubuhay pa ito. Nang mamatay ang amo, patuloy pa rin si Ciccio sa pagsisimba.

Namatay ang amo ni Ciccio na si Maria Margherita Lochi, 57, noong Nobyembre. Sa simbahan din na iyon ginawa ang funeral mass at naroon din si Ciccio. Umaasa si Ciccio na babalik ang among si Maria.

Inampon ni Maria si Ciccio isang taon na ang nakararaan. Natagpuan niya ang aso sa isang taniman na malapit sa kanyang bahay. Animal lover si Maria. Bukod sa mga aso, marami rin siyang ampon na mga pusa. Subalit sa lahat ng alaga, si Ciccio ang special.

Sabi ni Father Donato Panna, masyado siyang naimpressed sa aso. Hinahayaan niya itong nakaupo sa altar. Tahimik na tahimik na para bang may hinihintay.

 â€œHe’s there every time I celebrate Mass and is very well behaved – he doesn’t make a sound, I’ve not heard one bark from him in all the time he has been coming in,” sabi ni Father Panna.

Lahat daw ng tao sa San Donaci ay humanga sa ipinakitang katapatan ni Ciccio sa kanyang amo. Marami ang nagnanais na ampunin si Ciccio.

 

BUKOD

CICCIO

DEDERETSO

FATHER DONATO PANNA

FATHER PANNA

MARIA MARGHERITA LOCHI

SAN DONACI

SANTA MARIA ASSUNTA CHURCH

SI CICCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with