^

Punto Mo

Personal Bote

DIKLAP - Ms. Anne -

ANG pinamimili naming groceries tuwing Linggo ay para sa isang linggo naming pangangailangan kaya wala kaming tsansa na bumili sa sarisari store sa aming lugar. Ngunit isang araw ay naubusan kami ng softdrink. Nagpadeliber kami ng pizza at softdrink pero walang naibigay na softdrink dahil naubusan daw. Bitin. Nababawasan ang sarap ng pizza kapag walang softdrink. Nagkataon naman na walang nakatambay na tsismosa sa tindahan kaya nagpasya ang aking anak na bumili sa tindahan. Ang bilin ko, kung walang tindang softdrink na nasa plastic bottle, huwag na lang bumili. Problema pa ang pagsasauli kung nasa glass bottle.

Suwerte naman, ang softdrink na tinda nang oras na iyon ay nasa plastic bottle. Pero may bilin ang may-ari ng tindahan sa aking anak, may bote pa raw kaming hindi naisasauli sa kanila at ang bumili raw noon ay ang aking mister. Tiyak na tiyak ang boses ng may-ari ng tindahan na mister ko ang bumili, ayon sa aking anak. Nagpunta ang aking mister sa tindahan. Kinausap ang may-ari ng tindahan—“Wala kayong bote sa amin. Hindi ako bumibili sa inyo ng softdrink kahit kailan dahil hindi ako umiinom ng softdrink.”

Nag-isip sandali ang kausap at pagkatapos ay nag-sorry sa aking mister. Umaming nalito lang siya. Kung nalito, bakit mister ko kaagad ang pinagbintangan? Kami lang ba ang kanilang kapitbahay? At take note, masuwerte nang makabili kami sa kanilang tindahan ng isa hanggang tatlong beses sa loob ng isang taon dahil laging kumpleto ang aming groceries. Kaya nakakapagtaka kung bakit ang mister ko na hindi umiinom ng softdrink ang napagkamalang hindi nagsasauli sa kanila ng bote. Simula noon, nagpasya kami na huwag nang bumili ng kahit anong bagay, kahit kailan sa tindahang iyon para sa susunod na mapagbintangan, simple lang ang pangungusap na bibitiwan: Excuse me, hindi kami bumibili sa inyo kahit kailan.

AKING

BITIN

BUMILI

KAMI

KAYA

KINAUSAP

LINGGO

SOFTDRINK

TINDAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with