^

Punto Mo

Lampong(183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TALAGANG nagbago ka na ha? Pero bakit pati paghahanap ng iibiging babae ay ititigil mo na? Mali naman yata yun,’’ sabi ng Kuya ni Dick.

“Hindi muna ngayon, Kuya. Saka na lang. At saka kapag pipili ako e yung talagang hindi ako lolokohin.’’

“E bakit hindi mo balikan yung dati mong na-ging kalampungan bago si Puri. Sino nga yun?’’

“Si Sarah.’’

“Oo yun nga. Di ba sabi mo kaya kayo nag-break ay dahil sa nagyayayang magpakasal si Sarah at saka sabi mo, gusto nang magkaanak.’’

‘‘Oo nga Kuya.’’

‘‘Nasaan na si Sarah?’’

‘‘Hindi ko na alam, Kuya. Wala akong balita sa kanya.’’

‘‘Bakit hindi mo ha­napin si Sarah? Palagay ko, siya ang babaing dapat sa’yo.’’

“Puntahan mo siya sa tirahan niya.’’

‘‘Pinuntahan ko na siya noon Kuya pero wala na roon. Nagtago na yata.’’

“Sayang ang babaing yun. Hanapin mo, Lampong.’’

“Susubukan ko Kuya.’’

“Kapag nakita mo siya at nagpakasal kayo ako ang gagastos.’’

“Sige Kuya.’’

“Siyanga pala, saan ka nakatira ngayon?’’

‘‘Bumili na ako ng condo, Kuya.’’

“Pati sa tirahan nagbago ka na rin ng pananaw ha?’’

“Oo Kuya. Mas maganda nga pala na may sari-ling tirahan.’’

“E di dapat bumili ka na rin ng kotse.’’

‘‘Baka next month Kuya.’’

‘‘Okey. Sige hanapin mo si Sarah para okey na ang lahat.’’

Natapos ang usapan nila.

Kinabukasan, hinanap ni Dick si Sarah. (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BUMILI

HANAPIN

ITUTULOY

KAPAG

KUYA

OO

OO KUYA

SI SARAH

SIGE KUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with