^

Punto Mo

Get-Together Party

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BIGLAAN ang get-together party na binuo ng ilang kaklase sa high school kaya biglaan din ang aking pag-uwi sa Laguna. Pinilit kong umuwi dahil dalawang malapit na kaibigang babae noong high school ang nagbalikbayan mula sa Amerika. Ang unang kaibigan ay talagang naka-schedule ang pagbabakasyon dito samantalang ang pangalawang kaibigan ay namatayan ng ina kaya biglaan ang pag-uwi. Ang napiling pagdausan ng party ay bahay ng isang kaklaseng babae na nasa  mataas na lugar kaya ang effect ay para kang nasa Tagaytay—malamig ang hanging bumabalot sa paligid. Ang magandang klima ay sinabayan ng masayang kuwentuhan ng kanya-kanyang buhay. Nagsimulang magkantiyawan nang ang ilang kaklase ay naglabas ng shawl at sweat shirt dahil nagiginaw daw sila. Ang isang sintomas ng pagiging gurang ay nagiging ginawin na. Nang lumubog na kasi ang araw ay nag-umpisa nang humangin ng malamig tapos sinabayan pa ng mahinang ambon.

Ganoon pala kapag nagkakuwentuhan ang mga 52 years old na mga babae. Lahat ay nasa “denial stage”. Halos iisa ang mga “gist” ng dayalog: “Aba, kahit naman 52 na ako ay di ko pa rin maramdaman na matanda na ako. Feeling ko ay bata pa rin ako”

“Feeling sanggol? Ganun?” sagot naman ng isang pilosopo.

Tapos ay may nagtanong, “Sino sa inyo ang nag-menopause na?”

May ilang nagtaasan ng kamay. Proud na proud na nakakatipid na sila sa pambili ng sanitary napkin. Buti na lang at ang mga kaklaseng lalaki ay nasa ibang table at nagkakasarapang mag-inuman. May isang pilya na nag-comment, “Itanong natin sa mga boys kung may nagva-viagra na sa kanila? Unfair naman kung tayo lang ang aamin na nabawasan ng “function”.

Isa pang napansin ko ay pulos positive vibration ang nangibabaw sa aking mga kaklase. Lahat ay nasa good mood at pleasant disposition kaya pulos halakhakan na lang ang nangyari. Nang gumabi na ay nagpasya ang grupo na sabay-sabay magpunta sa lamay ng ina ng aming kaklase. Aba’t hanggang sa lamay ay bitbit pa rin ang saya kaya walang nagawa ang kaklaseng namatayan kundi makihalakhak na rin sa mga kalokohan. Sabi nito: “Kanina ay masakit ang aking ulo dahil sa kaiiyak. Gumaan ang pakiramdam ko nang dumating kayo.”

Natahimik bigla ang grupo. Saka may isang nagsalita, “Girl, condolence nga pala. Nakakahiya sa iyong mommy, inuna pa namin ang tsikahan.” Napahagikhik ang aming kaklase at niyakap kami isa-isa.

AMERIKA

BUTI

GANOON

GANUN

GUMAAN

ISA

LAHAT

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with