Mga pagkaing ‘healthy’ pala!
NARITO ang mga pagkaing pinagbibintangang hindi raw makakabuti sa katawan ngunit ayon sa latest study ay healthy foods pala.
Chicken Thigh. Chicken breast lang ang alam nating rich in unsaturated fat, chicken thigh din pala. Ang unsaturated fat ay good fat na may low cholesterol content. Hindi kayang mag-produce ng fat ang ating katawan kaya kailangan itong kunin sa ating diet.
Red Meat (baka, baboy, etc). Isa pa itong may reputasÂyon na “harmful†dahil sa saturated fat (bad fat). Masama kung sobra at kakainin mo ng may taba. Ang mismong laman ay nagtataglay ng mataas na uri ng protina at nagpapabilis ng metabolism. Kapag sinabing nagpapabilis ng metabolism, ito ay hindi nakakataba.
Pickles. May paniwalang nakakataba ang pickles ngunit ang katotohanan pinabibilis nito ang pagtunaw sa starchy foods na kinain sa tulong ng suka na pangunahing sangkap ng pickles.
Kape. Hindi pa rin matanggal ang negative impression sa kape. Ngunit dapat ninyong malaman na sagana ito sa anti-oxidants na nagpapatibay ng naturalesa ng katawan upang hindi basta-basta tablan ng sakit. Ang pag-inom ng kape ay nakakababa rin ng tsansang magkaroon ng Type-II Diabetes.
Peanut Butter. Sa susunod, isama mo na lagi ito sa iyong diet dahil mayaman sa protina, vitamin E at fibers.
Itlog. Importanteng isama sa diet ang itlog dahil mayaman sa vitamins A and D, protein, at antioxidants.
Patatas. Kahit mataas ang level ng starch, ito naman ay mayaman sa protein, fiber, iron as well as vitamins.
- Latest