^

Punto Mo

Kailan ka magtatapon ng gamit?

DIKLAP - Miss Anne - Pang-masa

Magpalit ng unan taun-taon. Pinamamahayan ito ng bacteria na nagi­ging dahilan ng allergy.

Magpalit ng kutson tuwing ika-5 o ika-7 taon.  Ayon sa pag-aaral ng Oklahoma State University, ang mga taong nagpapalit ng kutson tuwing ika-5 taon ay nakakatulog nang mas mahimbing at nababawasan ang sakit sa likod.

Palitan ang smoke alarm tuwing ika-10 taon pero i-tsek buwan-buwan ang battery nito para malaman kung maayos ito. Ang sensor ng smoke alarm ay humihina ang performance habang naluluma.

Ang air conditioner ay tumatagal hanggang 15 years kung ito ay suma­sailalim sa annual servicing. I-tsek ang filter tuwing ika-6 na linggo.

Itapon ang mga pills na nasa medicine cabinet 2 taon matapos bilhin kung halimbawang nabura o walang nakalagay na expiration date sa wrapper.

Itapon ang fire extinguisher na 10 taong hindi nagagamit. Ngunit kung ito ay rechargeable, ipa-service ito tuwing bumababa ang pressure.

Itapon ang contact lens solution after 3 months.

Palitan ang toothbrush tuwing ikatlo o ikaapat na buwan.

Itapon ang mascara sa ika-6 nitong  buwan pagkatapos buksan. Ang bacteria ay namamahay sa applicator ng mascara dahil ito ang labas-masok sa lalagyan. Pagpasok ng applicator ay diretso ang bacteria sa mismong mascara na iaaplay naman sa eyelashes.

Itapon ang natirang anti­bacterial cream na ginamit sa sugat pagkatapos ng isang taon.

Itapon ang dandruff shampoo pagkatapos ng 3 taon.

vuukle comment

AYON

IKA

ITAPON

IUML

OKLAHOMA STATE UNIVERSITY

PALITAN

TAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with