^

Punto Mo

Bulong

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NAALALA n’yo bang binanggit ko sa inyo ang tungkol sa kagustuhan kong subukan ang pagpa-fasting? Ginawa ko siya ng isang linggo. Heto at ihahayag ko ang aking naging karanasan.

 Noong nakaraang Linggo, gumawa ako ng plano kung papaano gagawin ang aking fasting. Dahil first time ko, hindi ko kayang biglain ang aking katawan. Kaya minarapat kong dahan-dahanin ang pagbabawas ng pagkain. Lunes - 2 meals lamang pero walang baboy, karne, manok at kanin. Martes - ganoon pa rin pero isang meal na lamang at puro tubig. Miyerkules - 3 beses na puro prutas at gulay lamang. Huwebes - puro sabaw lamang. Biyernes hanggang Linggo, dapat ay zero food at panay tubig lamang. Dahil ang punto ng fasting ay i-deny ang mga kagustuhan mo at palitan ito ng pagbabasa, pagninilay at pagdarasal. Maaaring pagkain o mga gawaing kumakain ng oras na sana ay naibibigay mo Sa Kanya. Panahon ito ng sakripisyo. Kaya naman inilagay ko rin sa aking plano na tanggalin ang Facebook, Twitter, Google at Instagram ng isang linggo. Pati ang kape na pinakagusto at kumukumpleto sa umaga ko ay tinanggal ko at pinalitan ng tsaa. Gumigising din ako ng alas singko y media upang simulan ang araw Sa Kanya. Bago pa ako mag-agahan ay nagdarasal na ako. Sinikap kong magdasal ng tatlong beses isang araw --- singdami ng kain ko sa isang araw.

Unang beses ko ito ginawa buong buhay. Kaya medyo ikinalulungkot kong sabihing hindi ko natupad ang lahat ng food fasting na binalak ko. Naalala kong anemic ako kaya hindi puwedeng hindi kumain sa oras dahil nahihilo ako. Ngunit maliban sa pagkain, hindi ko naman itinakwil ang iba. Isang linggo akong nagdiskonek sa cyber world at nagdasal lamang at nagbasa ng mga babasahing magpapalakas sa aking pananampalataya sa Kanya.

 Masarap ang pakiramdam ko. Dama kong para bang mas naging malapit nga ako sa Kanya. Bukod doon, napagtanto ko ang mga sumusunod:

• Kaya ko palang kontro- lin ang paggamit ko ng cell phone at computer. Isang araw kasi last week ay bigla na lamang namatay ang iPhone ko. Kahit pa hindi ako nagti-Twitter o Facebook noon ay wala rin akong telepono kaya hindi ko masagot ang mga tawag at text kapag tumutunog ang telepono. Napagtanto kong kaya ko palang walang telepono.

• Kung mananahimik ka at talagang hahanapan mo ng oras ang Diyos ay maririnig mo Siya. At marami Siyang ibubulong sa iyo.

• Masarap palang gumi-sing nang napakaaga at simulan ang araw matapos ang taimtim na pagdarasal. Early start, early finish.

Subukan n’yong mag-fast. Kahit isa o tatlong araw lang. Lalo na kung may desisyon na nais gawin at nalilito. Makukuha ninyo ang sagot. Maririnig ninyo ang bulong Niya.

 

vuukle comment

AKO

DAHIL

FACEBOOK

ISANG

KAHIT

KANYA

KAYA

KONG

SA KANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with