^

Punto Mo

Weh, totoo? Saan ba nagtatago ang germs?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NARITO ang 10 lugar na pinamamahayan ng germs at tips upang mabawasan ang tsansa na maperwisyo  nito ang inyong kalusugan:

Sponge na pangkuskos sa pinggan. Dito namamahay ang bacteria kaya araw-araw ay banlian ito ng mainit na tubig. Tuwing ikalawang linggo ay itapon ang luma at bumili ng bago.

Reusable grocery bags. Ayon sa National Sanitation Foundation at the University of Michigan, mas maraming nakukuhang E. Coli Bacteria sa bag na nabanggit kaysa inyong underwear. Labhan ito tuwing pagkatapos gamitin. Remember, pagkain na pinamili ninyo ang inilalagay dito.

Mga pinipindot kagaya ng ATM, elevator, vending machine at parking meter. Hugasang mabuti ang kamay matapos pumindot sa mga nabanggit.

Gas pump handle. Mabuti na lamang at hindi pa uso dito sa atin ang gasoline station na self-service.

Bag at wallet. Kapag nasa public toilet ka, sikapin mong isabit ang bag. Kung walang pagsasabitan, hayaan mong nakasabit ito sa iyong katawan. Punasan ng anti-bacterial wipe ang bag. Natuklasan ng mga researchers sa University of Arizona na ang isang bag ay may nakadikit na 6.7 million bacteria.

Desktop sa opisina. Punasan ng anti-bacterial wipe bago gamitin. Kamay naman ang hugasan pagkatapos mag-type.

Unan. Labhan linggo-linggo ang mismong unan, kung ang filling nito ay latex rubber sponge. Kung imposible dahil made of cotton ang filling, palitan na lang ang bahay-bulak nito. Sa ospital, unan ang biggest source ng inpeksyon.

Yoga mat. Laging hugasan bago gamitin.

Jewelry. Kamay ang huhugasan matapos itong hubarin.

Toothbrush. Nagtatal­sikan ang bacteria kapag nag-flush ng toilet kaya huwag itago ang toothbrush sa toilet. Palitan ang toothbrush tuwing 3 or 4 na buwan.

AYON

COLI BACTERIA

DITO

KAMAY

LABHAN

NATIONAL SANITATION FOUNDATION

PUNASAN

UNIVERSITY OF ARIZONA

UNIVERSITY OF MICHIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with