‘Mga ligaw na balita’
HINDI sapat ang tapang sa pagpunta sa lugar kung saan wala kang kakilala. Dapat maging mabilis ang iyong paki-ramdam at matalas ang isipan kung sino sa mga taong bago mong kakilala ka magtitiwala.
Kaliwa’t kanan ang masid… nililingon ang nasa likuran, sinisilip ang tao sa unahan ganito ang sitwasyon ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) habang nilalakad ang mga lugar sa bansang Jordan.
“Ate, sampung araw na ko dito sa Jordan. Hindi ko pa din alam kung saan ako mapapadpad…†umiiyak na sumbong ni Jacky.
Si Jacquelyn “Jacky†Zipagan, 23 taong gulang, ay unang beses nakipagsapalarang magtrabaho sa ibang bansa. Sa Dubai ang punta ni Jacky subalit pagtataka niya, bakit sa Jordan siya nasalta.
“Hindi ko alam kung paano nangyari lahat ng ito. Ang saya pa niyang umalis. Siyam na araw makalipas, iyakan na ang mga tawag,†wika ni Eppy.
Nagsadya sa amin si Jaypee “Eppy†Zipagan, 26 anyos, kuya ni Jacky. Dalawang babae ang sinisisi niya sa pagkaligaw daw sa Jordan ng kapatid.
Si Mila Jacobe nagpakilalang may-ari umano ng First Step Int’l Services Inc. at isang “Em†matalik na kaibigan at dating kaklase.
Tubong Isabela si Jacky. Nagtapos siya ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa Universtiy of Cagayan Valley, Tuguegarao.
Taong 2010, pagka-graduate lumuwas siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Sa Taytay, Rizal sa bahay ni Eppy siya tumuloy. Matapos ang kontrata sa unang trabaho bilang project personnel sa Universal Robina nagdesisyon siyang magpunta sa Middle East.
Niyaya siya ni Em na mag-apply sa ahensya ng First Step sa Ermita, Mla.
Kwento ni Eppy, pinakilala ni Em si Mila. Ang tutulong sa kanilang makaalis.
Agosto 2012, nagsimulang maglakad ng mga ‘requirements’ sina Jacky. Nagbayad siya ng Php2,500 para sa medical exam. Kinse mil naman para sa ‘processing fee’. Ito’y para sa pagpunta niya sa Dubai bilang isang ‘sales lady’.
Halagang Php70,000 daw ang ginastos ng ahensya sa pag-aayos ng dokumento niya.
Ang natitirang balanse na Php55,000, iaawas sa kanyang sahod sa loob ng anim na buwan (salary deduction).
Dalawang buwan lang ang hinintay ni Jacky, Oct. 31, 2012… nakaalis siya ng bansa. Si Em naman naiwan sa Pilipinas dahil sa problema sa pasaporte.
Ika-1 ng Nobyembre….Undas, lumapag sa Jordan ang eroplano ni Jacky. Nagduda na si Jacky kaya’t mabilis niyang tinawagan ang kapatid na si ‘Shearoll’ nasa HongKong, “Ate, napunta ako sa Jordan…†anya nito.
Kwento daw ni Jacky, nag-‘stop over’ sila sa Indonesia kasama ang tatlo pang kasaba-yang Pinay Workers at sa Jordan na tumigil (last stop).
Inakala ni Shearoll na nagkaroon ng ‘misinformation’ sa pagitan ni Mila at kapatid kaya’t inisip niyang magiging maayos pa rin dun si Jacky. Kinabukasan kinumusta nila ulit si Jacky subalit ‘di na ito nagreply ni sumagot sa mga tawag.
Nobyembre 10, 2012…tumawag si Jacky kay Shearoll. Sa pagkakataong ito umiiyak at nagmamakaawa umano ang kapatid na mapauwi’t sinabing, “Ate, wala kaming trabaho dito. Ni ‘di ko alam kung nasaan ako sa Jordan. Gusto ko na talagang umuwi… dalhan niyo ko ng pera,†pakiusap nito.
Kailangan daw bayaran ang ‘plane ticket’ ni Jacky para makauwi. Handa naman daw ang pamilya Zipagan dito. Ang problema ‘di na nila makontak si Jacky. Ito ang dahilan ng pagÂpunta ni Eppy sa aming tanggapan.
Itinampok namin siya CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
PARA malinawagan kami, kinapanayam namin sa radyo itong si Em. Kinumpronta namin si Em kung kilala ba niya itong si Mila subalit naging mailap siya sa aming tanong at sinabing nagkausap na sila ni Jacky kanina sa telepono. Tinanong namin kung bakit ‘di siya nakaalis at ang kaibigan ang nauna. “Nagkaproblema lang po… pero aalis din po ‘ko. Tutuloy ako!†sagot nito. Nagmamadali si Em ng aming kausapin dahil nasa biyahe daw siya. Kaya’t sinabi niyang tatawag siya sa amin maya-maya subalit ‘di ito nangyari.
Ayon kay Eppy, malaki ang kutob niyang illegal ang pag-alis ni Jacky sa bansa at kasabwat umano dito sina Mila. Ilang beses daw niya kasing tinanong si Em kung anong agency ni Jacky at kung alam niya ang cellphone number ni Mila. Puro daw “Hindi ko alam,†ang sagot niya subalit ‘pag ang kapatid niyang si Shearoll ang nagtanong sinasabi nito.
PARA sa isang patas na papamahayag sinubukan din namin kapanayamin si Mina Jacobe subalit hindi nito sinasagot ang aming tawag.
Minabuti namin tawagan ang First Step Int’l Services Inc. Nakausap namin si Claudine Medina, sinabi namin ang problemang kinaharap ni Jacky. Kinuha nila ang buong pangalan nito at binerepika kung ito ba’y aplikante nila. Ang nakakagulat na sagot, “Wala pong Jacquelyn Zipagan sa listahan namin.†Sinabi ni Claudine na room 210 daw ng First Step ang aming tinawagan. Titignan nila sa ibang room kung nandun ang pangalan ni Jacky at tatawag siya sa amin.
Amin ding tinanong kung empleyado ba nila si Mila Jocobe. “Agent po namin siya…†sagot ni Jacquelyn.
Para maging malinaw ang mga bagay-bagay, sinulatan namin sa pamamagitan ng email si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs. Ibinigay namin lahat ng impormasyon tungkol kay Jacky para malaman kung nasaan siya sa Jordan at ano na ang kanyang kundisyon.
PARA sa update ng kasong ito, nakatanggap kami ng email galing kay Consul General Emmanuel Fernandez ng Amman, Jordan at tiniyak niyang nakausap na niya si Jacky sa tulong ng agent na si Mohammad El Hendawi. Ayon sa Pinay maayos ang lagay niya sa Jordan, bilang Domestic Helper sa Mu’tasem Hindawi Company (a local recruitment agency). Sinabi niya ring maganda ang trato sa kanya ng among si Dr. Gassan Qwaawr na may asawang doktor rin. Hindi lang naka-kontak si Jacky sa kanyang pamilya dahil pinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng trabaho dahilan para isipin ng mga kaanak nitong siya’y nawawala.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bago lumundag at mag-isip na may masamang nangyari sa inyong pamilya siguraduhing tama ang inyong impormasyon. Naintindahin namin na dahil kadugo niyo mabilis kayong mag-‘panic’, kaya lang mali-mali ang impormasyon na napaparating ninyo kaya’t sa halip na makapagtrabaho ng maayos ang inyong pamilya at maayos ang relasyon sa ‘employer’, maaring maikasira ito dahil sa hindi husto ang kwento.
Nasa tamang edad na si Jacky kung meron nagkulang dito walang iba kundi siya dahil sa lahat ng mga nakatatarantang balita na pinarating niya sa kanyang pamilya na hindi man lang niya nilinaw para maibsan ang kanilang mga pangamba.
Kay Usec. Seguis at DFA maraÂming salamat sa inyong walang sawang pagtulong sa ating mga kababayan. Mabuhay kayong lahat dyan! (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Ang aming numero 092132Â6Â3166 (Aicel) /09198972854 (Monique)/09213784392 (Pauline).Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th flr.. City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig.
- Latest