Amerikanong senador dinalaw ng 3 angels
GRABENG stroke ang tumama kay Illinois senator Mark Kirk isang taon na ang nakararaan. At ayon sa kanya, kakaibang karanasan ang nasaksihan niya habang nakaratay sa NorthÂwestern Memorial Hospital sa Chicago. Hindi raw niya malilimutan ang pangyayari.
Ayon kay Kirk, nang nasa Intensive Care Unit (ICU) siya nang makita ang tatlong anghel na nakatayo sa paanan ng bed niya.
“Gusto mo bang sumama sa amin?†tanong umano ng isa sa mga anghel. “Hindi,†sagot ni Kirk. Nang tanungin daw niya kung ano ang nangyari sa kanya, sabi raw ng anghel may pumutok daw sa kanyang utak at iyon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Pero sabi ni Kirk, hindi siya sasama sa mga ito.
Ang karanasan ni Kirk ay halos katulad din ng naranasan ng may 8 milyong tao sa America na umano’y muntik nang mamatay. May mga nakakita ng maliwanag na tunnel, nakalutang sa alapaap at nakaranas ng euphoria at di-maipaliwanag na katiwasayan ng isipan.
Si Senator Kirk ay 28 taon na sa pulitika at ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pangyayari sa buhay.
- Latest