Lampong (168)
KUNG hindi niya magantihan si Puri, si Jinky ang gagantihan niya. Ginawa siyang tanga kaya idadamay na niya si Jinky. Baka magkakutsaba pa sila sa panloloko. Siguro’y may nalalaman din si Jinky pero nanahimik. Hindi siya binigyang babala sa ginagawa ng tiyahin. Wala naman siyang ginawang masama sa kanila. Imagine, kinupkop pa niya rito sina Jinky at at anak nito tapos ay ganito pa ang igaganti sa kanya.
Naibagsak ni Dick ang kamao sa mesita. Lumikha iyon ng ingay. Mabuti at hindi nabasag. Nadala siya ng emosyon. Masyado siyang kinawawa. Ang kabutihan niya ay ginantihan ng kawalanghiyaan. Ipinagpalit siya sa iba.
Kung si Jinky ang gagantihan niya, hindi siya mahihirapan. Kilala niya si Jinky. Madali itong mapasok sa loob ng bahay. Kung gugustuhin niya, kahit ngayong gabi ay puwede niyang pasukin si Jinky sa unit at gawin ang anumang ibig niya. Ano bang magandang ganti ang dapat para masiyahan siya? Gahasain niya? Pero kailangan pa ba niyang puwersahin si Jinky? Matagal na ngang ibinibigay nito ang sarili sa kanya. At nalawayan na siya nito. Hindi ba’t minsan ay nagmistulang sanggol ito sa harapan niya? Sanay gumamit ng kakaibang “tsuponâ€. Mahusay si Jinky. Walang sinabi ang husay ni Puri. Palibhasa’y kabataan pa si Jinky kaya malikot ang imahinasyon.
Ilang beses na rin niyang nakita ang katawan ni Jinky. Mas maganda kaysa kay Puri. Flat na flat ang puson ni Jinky. Si Puri ay nagkakaroon na ng bilbil. Siguradong mas “makatas†si Jinky.
Kapag nakaganti na siya kay Jinky, baka tumahimik na siya. Magsisimula muli siya.
Kung gagawin niya ang pagganti, dapat simulan na niya. Gawin na niya sa lalong madaling panahon.
Kumuha ng beer sa ref si Dick at uminom. Nang tumalab ang beer, lalong naging malikot ang isip niya. Si Jinky ang magbabayad ng mga kawalanghiyaang ginawa ni Puri.
Bukas, papasukin niya ang unit ni Puri. Humanda ka, Jinky Baby!
(Itutuloy)
- Latest