^

Punto Mo

Lampong (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MATAGAL ba sila sa Baguio, Mina?” Tanong ni Dick. Halatang galit ang kanyang boses pero pinipigil niya.

“Limang araw lang sila roon. Madali lang naman ang seminar. Dapat nga ako ang representative pero nagpumilit si Puri. Siya na lang daw dahil hindi pa siya nakakarating sa Baguio. Yun pala, dun sila magkikita ni Tanda.’’

Napadiin ang kagat ni Dick sa kanyang mga bagang. Niloko na naman siya ni Puri.

“Halos dalawang linggo raw sila roon, Mina. Tinawagan ko kasi siya sa phone.”

“Ano? Dalawang linggo? Sobra naman yun. Walang seminar na ganoon katagal? Malaking gastos ng kom­panya kapag ganoon katagal.’’

“Sabi niya laging nag-eextend?”

“Kawawa ka talaga, Dick. Bakit hindi mo nahahalata na niloloko ka ni Puri?”

“Oo nga e. Tanga ako.”

“Noong tinatawagan mo siya, e narito na siya sa Maynila. Dito na sila nagki­kita ni Tanda. Araw-araw e sinusundo ng BMW ni Tanda. Dadalhin si Puri sa condo sa may Morato. At meron pa rin yatang condo sa may Katipunan.’’

Napalunok si Dick. Ma­init na ang hininga niya. Kinawawa talaga siya ni Puri.

“Kung ako ikaw, Dick, maghanap ka na nga iba. Guwapo ka naman. Kung dalaga lang ako, sabihin ko ligawan mo ako. Sayang mukha ka pa namang mabait at walang hilig mangaliwa.’’

Pinilit ni Dick na ngumiti.

“Salamat, Mina sa inpormasyon. Hindi kita mali­limutan.”

“Kapag may gusto  ka pang malaman. Text mo ako. Etong number ko.”

Kinuha ni Dick ang number.­

Naghiwalay na sila.

Nang papalabas na si Dick sa building, ngitngit na ngit­ngit siya. Gaganti siya!

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

ANO

ARAW

BAKIT

DICK

SIYA

TANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with