^

Punto Mo

‘Putol na daliri’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ILANG oras na lamang bago ang inaabangang pagsalubong ng bagong taon, hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Kaliwa’t kanan ang balita, babala at paalala sa radyo, telebisyon at maging sa mga diyaryo sa pag-iingat upang mapayapang salubungin ang taong 2013. Nangunguna na ang Department of Health sa pangangampanya ng pag-iwas sa paggamit ng paputok.

Lalong pinaigting ng DOH ang kampanya na imbis sa pagpapaputok ay daanin na lamang sa sayaw at malalakas na tugtugin ang pagsalubong sa bagong taon.

Bagamat nakahanda na ang mga duktor at nars sa mga ospital sa inaasahang pagdating ng mga naputukang biktima ng paputok, mas masarap pa rin ang magdiwang ng hindi nasasangkot sa anumang aksidente. Tuwing sasapit ang bagong taon, ilang mamamayan ba ang napuputulan ng daliri, kamay o nawawalan ng iba pang parte ng katawan?

Mga huling buwan ng taong 2012, maka-ilang beses na naka-engkwentro ang tanggapan ng BITAG ng mga nagrereklamong naputulan ng daliri. Subalit hindi paputok ang rason kung bakit sila naputulan ng daliri, kung hindi aksidente sa trabaho.

Iisa ang sumbong ng mga nagrereklamong naputulan ng daliri, lahat pawang napabayaan ng kumpanya matapos ang aksidente. Naging paksa sa Legal Corner ng BITAG Live na pinapalabas sa UNTV 37 tuwing alas 7:30 hanggang alas 9 ng umaga ang mga kaso ng mga kababayan natin.

Ayon sa in-house attorney ng BITAG na si Atty. Freidrick Lu, pananagutan ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

Kung ang aksidente sa oras ng trabaho ay mapatunayang dahil sa kapabayaan ng kumpanya, may responsibilidad sila na bigyan ng kaukulang atensiyon at bigyan ng pinansiyal na tulong ang kanilang naaksidenteng empleyado.

Hindi rason ang permanenteng pinsalang natamo ng kanilang tauhan para tanggalin sila sa trabaho o ibaba sa dating pwesto. Kilos prontong tinawagan ng BITAG ang mga kumpanyang inirereklamo ng mga naputulan ng daliri sa trabaho.

Sa paglilinaw sa totoong kaganapan ng bawat nagrereklamo, sinuportahan ng BITAG ang iba sa mga nagreklamo na umabot na sa puntong daanin sa legal na pamamaraan ang pagmamatigas na tugon ng mga kumpanya.

 

AYON

BAGAMAT

DEPARTMENT OF HEALTH

FREIDRICK LU

IISA

KALIWA

LALONG

LEGAL CORNER

NANGUNGUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with