^

Punto Mo

Personal French Toast

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Personal. Isang edisyon ng Diklap kung saan ibabahagi ko ang mga personal kong karanasan upang magbigay sa inyo ng aliw, leksiyon o realization na ah, totoo palang nangyayari iyon sa totoong buhay.)

Dito sa aming bahay nag-Pasko ang buong pamilya ng aking kapatid. Isang umaga ay nagluto ako ng French toasts. Favorite daw iyon ng kanyang anak na lalaki na 11 taong gulang. Pero ang ipinagtataka ko, hindi niya ginalaw ang French toasts na inihain ko. Maagang umalis ang mag-anak dahil may maha­lagang pupuntahan. Dahil hindi na kumain ng almusal, nagbalot ng ilang pirasong French toasts ang aking kapatid.

Kuwento ng aking kapatid nang umuwi ang mga ito sa bahay, hindi pa raw  nakakalayo ang kanilang sasakyan sa aming bahay ay sinimulan nang lantakan ng aking pamangkin ang French toast na binalot niya.

“Bakit hindi ka kumain kaninang nasa bahay tayo?” tanong ng aking kapatid sa kanyang anak.

“Wala po kasing nagsasabi na puwede nang kainin ang French toast kanina”.

Umalis kasi silang mag-anak na hindi pa tapos ang aking pagluluto sa ibang menu. Pero inihain ko na ang French toast. ’Yun nga lang, sa sobrang kabisihan sa pagluluto, nawala sa isip ko na sabihan ang mga bata na puwede na silang kumain. Palibhasa ay disiplinadong mga bata, ayaw nilang kumain nang walang go signal ang host. Wala nga naman sila sa sariling pamamahay. Napangiti ako. Nilapitan ko ang aking pamangkin at inakbayan: “Kahit anong pagkain na mayroon dito sa bahay, puwede ninyong kainin anytime. Hindi kailangan ang aking go signal. Kung ang nagustuhan ninyong pagkain ay hindi pa luto, sabihin n’yo lang at lulutuin ko para sa inyo. Okey?” Nahihiyang napakamot sa kanyang ulo ang aking pamangkin. 

Sa loob-loob ko lang: Ayokong maranasan ninyo ang naranasan namin noong araw na deretsahang pinagbabawalan kami ng aming tiyong saksakan ng damot na huwag kakainin ang ganito, ganireng pagkain  na buong higpit na nakatago sa pinakamataas na bahagi ng cupboard.

AKING

AYOKONG

BAKIT

DAHIL

DIKLAP

DITO

ISANG

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with