^

Punto Mo

‘Modus sa prutas’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ABALA na naman ang mga kababayan natin sa paghahanda, ilang araw matapos ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Panibagong simula ang inaantabayanan ng lahat sa pagtatapos ng 2012 at pagsapit ng bagong taon.

Naging kultura na sa bawat tahanang Pilipino ang paghahanda ng iba’t ibang pagkain sa hapag-kainan bilang pagsalubong sa bagong taon. Hindi nawawala rito ang paglalagay ng 12 iba’t ibang uri ng mga prutas na bilog.

Paniniwala kasi ng mga Pilipino, sumisimbolo sa kasaganaan para sa susunod na taon ang pagkakaroon nito. Kaya ang mga vendor ng mga prutas sa mga palengke, grocery o maging sa bangketa, gayon na lamang ang tuwa sa pakyawang naibebenta sa panahong ito.

Subalit kuwidaw dahil sa ganitong panahon kung kailan in demand ang ganitong uri ng mga produkto, nagkalat din ang mga mapagsamantala. Nariyan ang mga tindero o tinderang sobra sa tamang halaga kung maningil, maging ang mga mandaraya ng timbangan, siguradong aktibo na naman.

Subalit isang estilo ng panloloko ang nakarating sa aming kaalaman hinggil sa panloloko ng mga tindero at tindera ng mga prutas.

Ayon sa aming tipster, isa rin sa mga laganap na modus sa panahong ito ang paghahalo ng mga tindero at tindera ng mga bulok na prutas sa mga napili ng kanilang kostumer. Ang kanilang estilo, kapag nakapamili na ang kostumer at nailagay sa timbangan ang mga prutas, mabilis nila itong isisilid sa supot malapit sa kanila.

Ang hindi alam ng kostumer, may nakatago nang iba pang prutas na bulok malapit sa tindero at tindera, at sa sandaling malingat ng tingin ang kostumer, sasalisihan ito ng tindero o tindera ng pakikipagpalit ng napiling prutas sa bulok.

  Kaya naman tila nagtapon lang ng pera ang pobreng kostumer dahil imbis na bago at magandang klase, bulok na produkto na pala ang napunta sa kanya.

Paalala ng BITAG sa lahat na maging mapanuri sa inyong mga bibilhin lalo na pagdating sa pagkain. Bumili lamang sa inyong pinagkakatiwalaang pamilihan o kung may suking tindahan man, kilalanin mabuti ang tindero o tindera nang hindi mabiktima.

vuukle comment

AYON

BUMILI

KAYA

NARIYAN

PAALALA

PANIBAGONG

PILIPINO

PRUTAS

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with