^

Punto Mo

Babaing Gov’t employee, na-injured habang nakikipag-sex employers, pinananagot

- Arnel Medina - Pang-masa

LIMANG taon na ipinaglaban ng isang babaing Australian ang kanyang kaso para makakuha ng compensation. Nawawalan na ng pag-asa ang empleada (hiniling na huwag na siyang pangalanan) dahil limang taon na siyang nakikipag­laban. Pero ganoon na lamang ang kanyang katuwaan nang lumabas ang desisyon ng korte na panalo siya. Pinagbabayad ang gobyerno dahil sa mga sugat na natamo ng babae habang nakikipag-sex sa tinuluyang motel.

Ayon sa babae, nagkaroon siya ng sugat sa ilong at bibig habang nakikipagtalik sa motel. Bumagsak umano ang bombilya sa kanyang mukha habang nasa kaigtingan ng pakikipagtalik. Maluwag daw ang socket ng bombilya kaya bumagsak.

Ayon sa babae, nasa motel siya ng panahong iyon sapagkat mayroon siyang ginagampanang mahalagang trabaho na may kaugnayan sa gobyerno.

Ayon naman sa mga abogado ng gobyerno, hindi dapat managot ang gobyerno sapagkat hindi naman nito ini-encouraged o kino-condoned ang sexual activities ng babae. Wala raw responsibilidad ang gobyerno sa ginawang pakikipagtalik ng babae.

Pero binasura ng court ang argumento ng mga abogado ng gobyerno. Ang pananaw daw ng gob­yerno ukol sa pakikipagtalik ng babae sa motel ay ir­relevant.

AYON

BABAE

BUMAGSAK

GOBYERNO

MALUWAG

MOTEL

NAWAWALAN

PERO

PINAGBABAYAD

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with