^

Punto Mo

‘Sira’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NGAYONG papalapit na ang Pasko, dagsa na naman ang mga tao sa mga malls, tianggehan at iba pang pamilihan upang makapamili ng mga gamit at pangregalo.

Kasabay nang paglaki ng bilang ng mga mamimili ay ang pagdami ng mga mapagsamantalang kawatan.

Isa ang Raon St., sa Maynila sa napupuno ng mga kababayan nating namimili ng mga murang gamit at appliances.

Subalit lingid sa kaalaman ng ilan, talamak na rin ang panggagantso ng ilang vendor at manininda dito.

Isa sa mga masusugid na taga-subaybay ng BITAG mula sa Alabang ang naglahad ng hinaing tungkol sa naranasang panloloko sa kanya sa isang tindahan sa Raon.

Mula sa e-mail na kanyang ipinadala sa BITAG, ikinuwento niya ang pagsadya sa Raon upang bumili ng isang 2gb RAM (memory card) para sa kaniyang computer.

Pagbaba pa lamang ng sinasakyan, kaliwa’t kanang vendor na ang bumabati at nag-aalok sa kanyang bumili ng kanilang ibinebentang mga produkto.

Mabilis naman siyang nagtiwala sa nakilalang tindero na  nangakong magandang kalidad at siguradong gumagana ang lahat ng ibinebenta niyang produkto.

Matapos mahanap at makuha sa napakamurang halaga na P300 ang hinahanap niyang 2gb RAM (memory card), hindi na siya nagdalawang-isip at agad na binayaran ito.

Subalit nang iuwi na at subukang gamitin, nadismaya siya sapagkat nadiskubre niyang sira ang nabili niyang produkto.

Tandaan ang tips na ito upang hindi maisahan ng mga dorobong tindero’t tindera sa bansa.

Una, inspeksyunin munang mabuti ang lahat ng binibili kung nasa maayos itong kondisyon at gumagana bago kunin at bayaran.

Ikalawa, huwag kalilimutang manghingi lagi ng resibo bilang katibayan sakaling magnais na isauli o ipapalit ang nabiling gamit o appliances.

Paalala ng BITAG sa lahat na ngayong panahon kung kailan karamihan ay namimili na ng mga kagamitan at iba’t ibang appliances, na maging isang mapanuring mamimili, nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat!

ALABANG

IKALAWA

ISA

KASABAY

MABILIS

MATAPOS

RAON

RAON ST.

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with