^

Punto Mo

4 na paraan nang pagpapaputi

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

LAHAT nang babaing may kayumangging kulay ay naghahangad na ma­ging maputi. Aminin. Kaya narito na ang mura, ligtas at epektibong paraan ng pagpapaputi:

 

1. Lemon Juice:

Ipahid ang juice sa mismong area na gusto mong pumuti. Hayaan nakababad ang  balat sa juice ng 15 minutes. Banlawan ng tubig. Pahiran ng moisturizer ang katawan upang hindi ito maging “dry”. Kung nais paputiin ang mukha, gumawa ng paste mula sa mga sumusunod na ingredients: one teaspoon of milk, one half teaspoon of almond oil, one teaspoon of honey and one teaspoon of lemon juice.

Ipahid sa mukha ang mixture at hayaan ito ng 15 minutes. Banlawan ang mukha ng malamig na tubig.

 

2. Patatas:

Balatan ang patatas. Maghiwa ng isang piraso. Ito ang ipahid sa area na nais pumuti. Ang isang paraan ay i-blender ang patatas, pigain ang juice at ito ang ipahid sa balat. Haluan ng calamansi juice ang patatas upang hindi mangitim.

 

3. Lemon, Kamatis at Pipino:

I-blender ang 2 pirasong kamatis at isang pipino. Pigain ang juice at salain sa malinis na kamiseta. Ihalo ang juice ng isang pirasong lemon sa napigang juice ng kamatis at pipino. Ito ang ipahid sa balat na nais pumuti. Hayaang nakababad ang juice sa balat hanggang 15 minutes at saka banlawan.

 

4. Oatmeal:

Paghaluin ang 1 cup oatmeal, 1/2  cup yogurt at  2 tablespoon  tomato juice hanggang maging paste. Ipahid sa balat at hayaang nakababad ng 20 minutes. Banlawan ng malamig na tubig.

Dapat ay gawing regular ang paggamit ng mga nabanggit na pampaputi. Hindi  iyan makukuha sa isang pahiran lamang.

AMININ

BALATAN

BANLAWAN

DAPAT

IPAHID

JUICE

LEMON JUICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with