2 ‘Pekpek Shorts’ Collection
(‘Pekpek shorts’ ang slang na salita sa shorts na sobrang ikli at umaabot hanggang kasingit-singitan ng ‘flower’. Ito ang naisipan kong itawag sa mga koleksiyon kong “dagli”o maikling-maikli kuwento.)
Abraham Lincoln
Noong 1858, ibinoto ng Illinois legislature si Stephen A. Douglas bilang senador sa halip na si Abraham Lincoln. Isang nagmamalasakit na kaibigan ang nagtanong kay Lincoln kung ano ang naramdaman nito: “Para akong isang bata na tinapakan ang paa ng isang kalaro. Gusto kong umiyak, dahil nasaktan ako, pero hindi ko magawa dahil baka sabihin ay para akong batang iyakin. Hindi ko naman kayang tumawa kahit pakunwari dahil nasaktan talaga ako.”
Cecil DeMille
Naalarma ang mga producers ng The Ten Commandments nang malaman nilang malaki na ang nagagastos ng director na si Cecil DeMille gayong nangangalahati pa lang siya sa ginagawang pelikula. Nakarating sa magaling na director ang pagrereklamo ng producers kaya nasabi niya;
“Ano ang gusto nilang gawin ko? Tapusin na lang ang pelikula nang wala sa panahon at palitan na lang ang titulo ng The Five Commandments? Hindi dapat sila magkuripot, Bible epic ang ipinagagawa nila sa akin!”,
- Latest