^

Punto Mo

MMDA naturete, sa mga reklamo sa trapik

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod ang pagtutok ng pamunuan ng MMDA sa matinding problema sa trapiko lalu na sa Metro Manila.

Bagamat hindi naman pangmatagalan at halos ipapatupad lamang­ ang kanilang mga programa ngayong buwan ng Dis­yembre o sa panahong ito ng Kapas­kuhan, ang tanong ng marami, eh makatulong o makabawas nga kaya ito sa bigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan? Kama­kalawa lamang napagkasunduan ng Metro Manila Council na ipatupad ang ‘modified truck ban’.

Nakapaloob dito ang pagdaragdag ng oras sa kasalukuyang truck ban na ipinatutupad.

Sa modified truck ban, magsisimula ang ban alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at uulit ng alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, araw-araw maliban sa araw ng Linggo at holiday.

Hindi kasama sa ban ang mga trak na may dalang mga nabubulok na kargamento kagaya ng pagkain at mga produktong agrikulutura. Ito ay magsisimula sa Disyembre 7 hanggang Enero 6 ng susunod na taon.

Kahapon naman sinuspinde ng MMDA ang mga paghuhukay ng mga kontraktor sa kalsada na magsisimula naman mula Disyembre 10 hanggang hatinggabi ng Enero 4, ng susunod na taon.

Ang hindi lang sakop ng moratorium ay ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng pagkukumpuni sa mga sirang linya ng tubig ng Manila Water at Maynilad.

Naku po, eh ito pa naman ang may sangkaterba yatang mga hukay na ang siste pa ng mga kontraktor ng mga ito, madalas na nag-iiwan ng mga sagabal sa daan, nag-iiwan ng mga butas-butas na tatabunan lang ng lupa at bago pa tuluyang maayos, ilang bagyo ang dadaan bago makumpuni.Ito ang madalas simulan ng lubak.

Sa kabila ng mga ito, marami pa rin ang nagtatanong kung magiging epektibo ba o makakatulong nga sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang mga ito.

Intayin na lang natin sa pagsisimula ng mga araw kung kailan ito ipapatupad, baka naman kahit papaano eh  bahagyang makatulong sa masikip ng trapik, ok na rin.

 

BAGAMAT

DISYEMBRE

ENERO

INTAYIN

KAHAPON

MANILA WATER

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with