^

Punto Mo

‘Pekpek Shorts’ Collection

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

(“Pekpek shorts” ang slang na salita sa shorts na sobrang ikli at umaabot hanggang kasingit-singitan ng ‘flower’. Ito ang naisipan kong itawag sa mga koleksiyon kong  “dagli” o mabilisang kuwento dahil maikling-maikli lamang ito.)

‘Bakit mo nakayang akyatin ang pinakatuktok ng bundok?’

MAY dalawang tribu na magkaaway. Ang unang tribu ay taga-bundok kaya’t ang tawag nila sa sarili ay Tribung Itaas samantalang ang ikalawa ay taga-patag kaya’t tinawag silang Tribung Ibaba. Isang gabi ay sinalakay ng Tribung Itaas ang Tribung Ibaba. Palibhasa ay hindi nakahanda sa sorpresang pagsalakay, ang mga taga-patag ay walang nagawa. Natalo na nga nang walang kalaban-laban, tinangay pa ng Tribung Itaas ang kaisa-isang anak na sanggol ni Amihan, ang biyuda ng napatay na pinuno ng Tribung Ibaba.

Ang mga mandirigma ng Tribung Ibaba ay nagplano kung paano mababawi ang sanggol. Bumuo sila ng isang task force na kinabibilangan ng magigiting at matitikas na lalaki na aakyat sa pinakatuktok ng bundok upang mabawi ang sanggol sa kamay ng Tribung Itaas. Sa umpisa pa lang ng pag-akyat nila sa bundok ay nagkaroon na ng problema. Napakatarik ng bundok at lubhang makapal ang kagubatan kaya hindi nila madiskartehan kung saan ang tamang direksiyon patungo sa kinaroroonan ng Tribung Itaas. Ilang araw din silang naglakbay ngunit nahalata nilang paikut-ikot lang sila at hindi lumalayo sa lugar. Kaya nagpasiya na lang silang umuwi at humingi nang tawad sa ina dahil nabigo sila sa misyon.

Habang bumababa sa kabundukan ay may narinig silang iyak ng sanggol sa kanilang likuran. Paglingon ay nakita nila si Amihan na lupaypay sa pagod habang bitbit ang kanyang sanggol. Kahit hindi magsalita, mapagtatanto na mag-isa itong sumugod sa Tribung Itaas at nagtagumpay sa pagbawi ng anak.

“Bakit mo nakayang ak­yatin ang pinakatuktok ng bundok samantalang kami na malalakas at di hamak na dalawang beses ang laki ng pangangatawan kaysa iyo ay hindi nakaya ang hirap ng paglalakbay?”, tanong ng pinuno ng task force.

“Ako kasi ang ina… at hindi ninyo kaanu-ano ang anak ko.” sabay talikod na may kasamang irap  sa mga lalaking ka-tribu.

 

AMIHAN

BAKIT

BUMUO

BUNDOK

HABANG

ILANG

TRIBUNG

TRIBUNG IBABA

TRIBUNG ITAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with