^

Punto Mo

Weeh, totoo?

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

(Mga koleksiyon ng kapaki-pakinabang na tips; bagong kaalaman mula sa scientific research, at iba’t ibang weird na “ topic” ng buhay.)

 

Mga pampa-“L” na Pagkain

Narito ang karugtong ng 8 weird aphrodisiac foods mula sa iba’t ibang bansa na nabasa ko sa Cosmopolitan.com:

5.  Leaf Cutter Ants

Ito ay malalaking langgam na kulay brown or red na mata­tagpuan sa mga dahon ng malalaking puno sa kagubatan. Sila ang tagahakot ng mga dahon upang dalhin sa kanilang colony. Sa isang episode ng programa ni Jessica Soho, may mga magsa­saka sa isang probinsiya na ang hanapbuhay ay manguha ng leaf cutter­ ants para ibenta sa palengke. Natatandaan ko ay isinasangag ang langgam at kinakain na parang mani.

Kilalang aphrodisiac food sa South America simula pa noong mid-15th century. Madalas na ipanregalo sa mga bagong kasal upang maging “eventful” ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

6. Itlog ng Pagong

Pinaniniwalaan sa Mexico na ang pagkain ng itlog ng pagong ay nakakapagpa-“L” at pinapanatiling nakasaludo ang iyong magilas na “sundalo”. Mabenta raw ito sa Florida, USA kaya nasa listahan na ito ng endangered species.

7. Dugo ng Cobra

Sa mga Cantonese, ang pagpatay ng cobra at pag-inom ng sariwang dugo nito ay nagpapalakas at nagpapatigas ng kanilang pagkalalaki. Sa Vietnam, iniinom nila ito nang puro o inihahalo sa alak. 

8. Spanish Fly Juice

Kapamilya ito ng tinatawag nating salaguinto. Ang Spanish fly (beetle) ay binabanlian. Pagkatapos ay didikdikin upang makuha ang katas na ang tawag ay Cantharidin. Ito ang sustansiya na nagdudulot ng gana sa sex. Panahon pa ni Julius Caesar ay kilala na ang Spanish fly bilang aphrodisiac. Ngunit inihahalo rin ang Canthadirin para gumawa ng gamot sa urogenital disorder.

ANG SPANISH

CANTHADIRIN

JESSICA SOHO

JULIUS CAESAR

LEAF CUTTER ANTS

SA VIETNAM

SOUTH AMERICA

SPANISH FLY JUICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with