^

Punto Mo

Weeh, totoo?

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

(Mga koleksiyon ng kapakipakinabang na tips; bagong kaalaman mula sa scientific research, at iba’t ibang weird na “ topic” ng buhay.)

Mga Pampa- “L” na Pagkain

Narito ang 8 weird aphrodisiac foods mula sa iba’t ibang bansa na nabasa ko sa Cosmopolitan.com :

1. Tiger Penis

Mula ito sa paniwala ng mga Tsino na ang pagkain ng ari ng lalaking tigre,  ay nakakapagpalakas ng pagkalalaki. Ang isa pang pinaniniwalaan ng mga Japanese at Korean na nakapagpapalakas ng pagkalalaki ay pag-inom ng rice wine na binabaran ng penis ng deer at herbs.

2. Sea Cucumber

Ang pagkaing-dagat na ito ay may iba’ibang pangalan:  bêche-de-mer (lit. “sea-spade”) sa French, trepang (or trÄ«pang) sa Indonesian, namako sa Japanese, gamat sa Malaysian at balatan sa Tagalog. Niluluto ang balatan nang sariwa o tuyo. Kapag biniling tuyo, binababad muna ito sa tubig bago lutuin. Ito ay isang delicacy sa East at Southeast Asia. Pinaniwalaang ang balatan ay pampagana sa sex dahil sa penis-like shape nito.

3. Skink Skin Lizard

Ito ang butiking kahawig ng butiki natin sa bahay pero walang legs at paa lang kaya kung gumapang ay parang ahas. Isa itong delicacy sa North Africa at kapag kinain ng isang tao, siya ay nagkakaroon ng malakas na sex appeal. Nagiging sexy ang tingin sa iyo ng ibang tao.

4. Malunggay Tea

Ayon sa writer ng Cosmopolitan.com, nanggaling daw dito sa Pilipinas ang kaalamang ito. Ang bertud ng malunggay tea ay kasingbagsik daw ng Viagra. Bukod dito nililinis ng malunggay tea ang toxins sa katawan at nakakabagal sa pag-tanda.

Itutuloy

             

vuukle comment

MALUNGGAY TEA

MGA PAMPA

NORTH AFRICA

SEA CUCUMBER

SKINK SKIN LIZARD

SOUTHEAST ASIA

TIGER PENIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with