Mag-ingat sa pagbili ng laruan (safe toys)
NAGBIGAY ng babala ang DOH at FDA tungkol sa pagbili ng laruan para sa bata. Mayroong mga batang na-aksidente na dahil sa depektibong laruan. Para makapag-ingat tayo, sundin ang mga payong ito.
Una, basahin ang mga babala (warnings) na nakasulat sa balot ng laruan. Nakasaad din dito kung para sa anong edad bagay ang laruan.
Para sa batang edad 4 pababa:
Kailangan ay mas malaki ang laruan sa sukat na 2 pulgada (mga 1.75 inches) ang haba at taas. Kung mas maliit dito ang laruan, puwede itong mag-bara sa lalamunan ng bata.
Umiwas sa pagbigay ng holen o barya sa bata. Kapag isinubo ito ng bata, puwede ding magbara sa daanan ng hangin. Isa itong emergency.
Dapat ay matibay ang laruan at hindi madaling maghiwalay-hiwalay.
Dapat din ay maayos ang pagkakabit ng mga parte ng laruan tulad ng mata, gulong o butones. Kapag natanggal ito sa laruan, puwede ito isubo ng bata.
Tingnan na walang matutulis na parte ang laruan na puwedeng makatusok sa bata. Suriin kung may pin, alambre o turnilyo na nakausli sa laruan.
Sa mga laruang may baterya, siguraduhing hindi madaling matanggal ang baterya. May likido ang posibleng lumabas sa baterya na nakalalason sa bata.
Para sa batang edad 5 pataas:
• Kung gustong sumakay ng bisikleta, scooter o skateboard ang bata, siguraduhing may
- Latest