Gusto mo bang magkabeybi?
NARITO ang suggestions ng adventurous writer.com/blogbaby para sa mga kalalakihan:
1. Uminom ng multivitamins. Para mapabuti ang sperm health, ang iinuming multiviamins ay may B12, vit E, Arginine, L-carnitine, Zinc, selenium, co-enzyme Q10.
2. Iwasan ang sobrang init at pressure lalo na kung ang init ay direktang nakatapat sa scrotal area. Halimbawa, ang isang cook kapag nagluluto sa harap ng stove ay kadalasang napapatapat ang kanyang scrotal area. Dulot nito’ y laging naka-expose ang kanyang puson sa tapat ng apoy. Nakakabaog pala ang ganoon.
3. Iwasang magsuot ng masikip na undergarments.
4. Iwasan ang matagalang pagbibisikleta.
5. Huwag ipapatong ang laptop sa kandungan.
6. Iwasang mag-sauna (steam bath) o mag-hot shower.
7. Iwasan ang gamot na nagpapababa ng fertility—Paxil, Anabolic Steroids, anti-biotic na may nitrofuran and macrolides, sulfasalazine na nakukuha sa gamot na pagtatae, ketoconazole na nasa anti-fungal medication.
8. Limitahan ang pag-inom ng inuming mayaman sa caffeine. Ang sobrang caffeine ay nakakapagpababa ng fertility. Ang maximum consumption ng softdrink o kape ay one to two servings per day.
9. Kung nagsisikap mabuntis, ipinapayong magtalik 3 times a week. Tandaan na ang mga lalaki ay mas fertile sa umaga at mas mataas ang sperm count kung malamig ang panahon.
(Bukas: Ang dapat gawin ng mga kababaihan.)
- Latest