^

Punto Mo

Lampong(132)

Pang-masa

PERO determinado si Jinky na gisingin si Dick. Gusto niyang may mangyari. Noong isang gabi pa niya pinipilit buksan ang pinto pero nakasara pala. Nagkamali siya ng timing. Pero ngayon, palpak na naman siya.

“Shit! Bakit hindi ma­gising si Tito Dick?” Nasabi ni Jinky na bigumbigo. Muli siyang kumatok. Pinihit-pihit ang doorknob. “Tito Dick! Tito Dick!” Tawag muli niya. Pero walang pagkilos mula sa loob.

Sa loob ng kuwarto, nakatalukbong si Dick. May takip sa mga taynga niya. Pero kahit may takip nangi­ngibabaw ang boses ni Jinky. Bakit ganito na lamang ang pagpupumilit ni Jinky? Parang “kinakati” si Jinky. At nabuo ang hinala kay Dick na si Jinky ang pumipihit sa doorknob noong nakaraang gabi. Hindi nga lang ito nagpumilit. Siguro ay inaalam kung nagsasara ng pinto si Dick. Ngayon ay hindi na naman nakatiyempo. At atat na atat na siguro si Jinky.

Hindi kaya nympho si Jinky? Lahat nang lalaki ay gustong matikman. At pati siya ay gustong isama sa lista­han. Ibang klase si Jinky. Batambata para mapariwara. Hindi na nag-iisip. Parang patapon na ang buhay.

“Tito Dick! Tito Dick! Buksan mo ito!”

Narinig ni Dick ang tawag. Malakas na ang pagkakatawag ni Jinky.

Pero hindi pinansin ni Dick. Magsasawa rin ito sa pagtawag sa kanya. Buo naman ang pagtitimpi ni Dick. Hindi siya sasakmal sa inia­alok na karne. Alam niya, kapag sinakmal niya ang karne na iniaalok ni Jinky, para na ring inihulog ang sarili sa apoy ng kasalanan. Tiyak na magsisisi siya kapag nilasahan ang karne. Sa sandaling pagtikim sa karne, ay baka habambuhay ang pagsisisi.

“Tito Dick, me itatanong lang ako. Tito Dick, mahalaga lang. Buksan mo ang pinto.”

Pero matatag si Dick. Hindi siya babangon para buksan ang pinto.

“Tito Dick, itatanong ko kung may gamot ka sa lagnat. Nilalagnat si baby!”

Nag-isip si Dick. May sakit daw ang baby!

(Itutuloy)

 

ALAM

BAKIT

BATAMBATA

BUKSAN

DICK

JINKY

PERO

TITO

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with