^

Punto Mo

Bakit ngayon lang nalaman,(Last part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…na may galing palang itinatago ang gu-yabano?

ANG iba’t ibang parte ng Guyabano tree—bark, leaves, roots, fruit and fruit-seeds—ay ginagamit na noon pang unang panahon ng mga native Indians mula sa South America para sa heart disease, asthma, liver problems at arthritis. Dito nangga-ling ang ideya upang ang isang malaking drug company sa USA ay magsagawa ng pag-aaral tungkol sa guyabano.

Gumastos ng malaking halaga ang drug company upang tuklasin at testingin ang anti-cancerous properties ng guya­bano tree. Napatunayan talaga nila na ang guyabano ay epektibong nakamamatay ng cancer cell ngunit hindi ng healthy cells. Kung ganito kagaling ang guyabano, bakit hindi itinuloy ang experiment hanggang sa pag-imbento ng guyabano anti-cancer pills?

Ang guyabano tree ay natural na regalo ng kalikasan kaya’t sa ilalim ng batas sa US, ang isang bagay na natural at galing sa kalikasan—is not patentable. Kontra sa kagustuhan ng drug company na maging exclusive sa kanila ang paggamit  ng guyabano tree para maging source ng ingredients sa paggawa ng guyabano pills.

Since Guyabano tree is not patentable, kapag inilabas nila ang positive result ng kanilang experiment, malalaman ng lahat na magandang ingredient ang guyabano para gumawa ng anti-cancer pills. Sila ang gumastos ng experiment, tapos lahat ng drug companies na kalaban nila ay makikinabang. Siyempre, ayaw nilang mangyari iyon. Ano sila sinusuwerte! Kesa makinabang ang mga kalaban, itago na lang sa baul ang resulta ng experiment! At iyon nga ang nangyari simula pa noong 1970. Pero dahil walang lihim na di nabubunyag, eto ngayon tayo at pinag-uusapan ang “galing” ng guyabano ngayong 2012.

ANO

DITO

GUMASTOS

GUYABANO

KESA

KONTRA

NAPATUNAYAN

PERO

SINCE GUYABANO

SOUTH AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with