^

Punto Mo

‘Nakalalasong laruan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DAGSA na naman ang mga tao sa pagbili ng mga regalo sa mga mall, tiangge at palengke isang buwan bago ang Pasko. Pasko ang pinakahihintay na araw lalo na ng mga batang Kristiyano dahil ito ang panahon kung kailan nila nararamdaman ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan at mga aginaldo.

Higit pa kung minsan sa mga bagong damit, sapatos at iba pang kagamitan, paboritong regalo ng mga bata ang mga laruan.

Kaya pagpasok pa lamang ng “ber” months, napakarami na ring mga laruan na matatagpuan sa mga tiangge at bangketa. Maraming mapagpipilian at sobrang mura ng karamihan sa mga laruang kaliwa’t kanang inaalok ng mga vendor sa daan.

Sa pag-aakalang nasusulit ang halagang inilaan pambili ng mga laruang pangregalo, kahit sino ay talaga namang ginaganahan sa pamimili. Subalit kuwidaw ka dahil hindi mo nalalaman na ang mga mumurahing laruan na iyong nabibili, maaaring peligro pala ang hatid sa kalusugan ng pagbibigyan mong paslit.

Ayon sa grupong Ecowaste Coalition, kumakalat na sa merkado at iba’t ibang pamilihan sa kasalukuyan ang mga laruang nagtataglay ng nakalalasong kemikal. Lumalabas na 50 porsiyento sa mga sinuring laruan ng Ecowaste Coalition ay positibo sa mga nakakalasong kemikal tulad ng lead, mercury, cadium, arsenic at antimony.

Karamihan sa mga laruang ito, itinitinda sa Divisoria, Baclaran, at ilang malalaking malls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ng Ecowaste Coalition, kapag na-expose umano sa mga kemikal na nabanggit ang batang maglalaro nito ay maaari itong makaapekto sa kanyang kalusugan lalo na sa kanyang mga vital organs.

Babala ng BITAG sa publiko na bantayang mabuti at maging mapanuri sa mga bibilhing laruan. Upang hindi makabili ng mga laruang may nakalalasong kemikal, tandaan ang ilang payo at suhestiyon ng Ecowaste Coalition.

Una, i-check kung may LTO number ang bibilhing laruan.

Ikalawa, hangga’t maaari ay iwasang bumili ng mga laruang may masyadong matitingkad na kulay.

Ikatlo, siguraduhing mabuti na hindi nababakbak ang pintura sa laruan at wala itong amoy pintura.

Mas makabubuti rin kung mag-iisip ng mga alternatibong pang-regalo tulad ng mga educational books, pagkain o sariling gawang regalo upang makasigurong ligtas sa mga nakalalasong kemikal ang aginaldong ibibigay mo.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]  o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

AYON

BABALA

ECOWASTE COALITION

KALAW HILLS

LARUAN

PASKO

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with