^

Punto Mo

‘Ninakaw na bisikleta’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PARA sa mas kumportableng paglalakbay, maraming Pinoy ang bumibili ng sariling sasakyan.

Kotse ang pinakamabili para sa mga may kaya sa buhay samantalang nagkakasya na ang ibang walang kakayahang bumili ng sasakyang may apat na gulong, sa motorsiklo o bisikleta.

Maraming beses na ring naka-engkwentro ang BITAG ng mga kaso ng nakawan ng sasakyan o ‘di kaya naman ay motorsiklo. Karamihan sa mga biktima, sangkot sa mga kaso ng carnapping o rentangay hindi lamang mula sa Metro Manila kundi maging sa mga malalayong probinsiya.

Nitong nakaraang linggo lamang, isang e-mail ang natanggap ng BITAG mula sa aming tagasubaybay. Isinusumbong niya ang nangyaring pagnanakaw sa bisikleta ng isa sa kaniyang mga kaibigan.

Basahin ang bahagi ng kanyang e-mail sa BITAG:

Greetings, meron po sana ako papa-check sa inyo. last week may ka member po kami na ginitgit, tinutukan  at inagawan ng bike sa avida settings papuntang paliparan cavite last sunday nov. 4. later on meron po ng post… na me iniaalok sa kanya na bike na nag-match sa description ng ninakaw na bike…

 Maihahalintulad ang kaso ng pagnanakaw sa bisikleta ng kanyang kaibigan sa mga kawatang nangha-hijack ng mga sasakyan sa lansangan dahil may pamumuwersang naganap sa pagitan ng mga suspek at ng biktima. Hindi maituturing na simpleng kaso ng pagnanakaw ang ganitong modus ng gumagalang sindikato bagamat bisikleta lamang ang ninakaw mula sa biktima.

Dahil ang target na bisikleta ng mga kawatan ay mga mamahaling mountain bike ng mga atleta. Sa kasalukuyan, internet na ang ginagawang tapunan ng mga ninakaw na kagamitan maging mga sasakyan upang agad na maibenta sa halagang gusto nila.

Kaya’t babala ng BITAG sa ating mga kababayan na agad i-report at ipa-blotter sa kinauukulan ang mga kawatan sakaling ma-engkwentro ang sindikatong ito. Ngayong nalalapit na ang Kapas­­kuhan, marami sa mga kawatan ang aktibo sa lansangan at nag-aabang lamang ng susunod nilang magiging biktima.

 

 

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BASAHIN

DAHIL

ISINUSUMBONG

KALAW HILLS

KARAMIHAN

METRO MANILA

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with