^

Punto Mo

Mga sangkot sa pyramiding scam, huwag tantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang bagong nabulgar na pyramiding scam na kinasasangkutan ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Biruin ninyong aabot sa 15,000 nating mga kababayan na karamihan ay sa Visayas at Mindanao ang naging biktima ng dayuhang si Manuel Amalilio na ngayon nga ay sinasabing nakabalik sa kanyang bansa sa Malaysia.

Aabot sa P12 bilyon ang nakulimbat nito at anim pa nitong mga kasamahan sa marami nating mga kababayan.

Mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan galing ang mga naging biktima at ang mas  kawawa ay yaong mga mahihirap na isinugal pa sa ganitong pyramiding ang kanilang pera sa pag-asang lalaki ito.

Marami ang naloko ng grupong ito, may ulat pa na may nagpakamatay matapos madala ang kanyang perang nakuha sa retirement.

Yung isang recruiter sa Pagadian, kinidnap at pinatay, ang bangkay natagpuan sa Zamboanga del Sur. Hinihinalang ang may kagagawan ay ang mga naburyong na mga naging biktima.

Hindi lang yan, literal talaga na may nasiraan ng bait dahil dito, matapos na ilagay ang lahat ng kanyang kabuhayan pati na ng kanyang buong pamilya tapos eh naloko lang pala. Nawala sa sariling pag-iisip.

Tignan ninyo ang ginawa ng sindikatong ito, ilang buhay at ilang pamilya ang ngayon ay nasa kawalan ng pag-asa dahil sa nangyari sa kanila.

Hindi naman kasi ngayon lang nangyari ang ganitong insidente, matagal na ang sindikato sa pyramiding at noon pa man ay nababalaan na ang marami dito.

Ang sistema rito sa una ay padadamahin ka.

Ang bilis-bilis na ipapadala sa iyo ang tseke ng  ipinuhunan at tubo sa iyong inilagak.

Ang Aman Futures Group na ito 30 hanggang 80 por­siyento ang ipinangakong balik sa pera ng kanilang mare-recruit.

Dapat dito pa lamang magduda na kayo. Sinong sira ulo na ganito kalaki ang ibabalik sa pera, kalokohan ito.

Dapat din na maging ma­ingat tayo, lalo na nga’t perang pinaghirapan at inipon natin ang ipagkakatiwala natin sa ibang tao.

Magsiyasat muna bago natin pakawalan ang ating pinaghirapan.

Sana nga ay mapanagot ang mga taong sangkot sa panloloko sa marami na­ting kababayan at maibal­ik man lang ang kanilang mga naipuhunan kahit na wala ang sina­sabing tubo o sinasabing malaking interes na isang malaking kalokohan.

AABOT

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES INC

ANG AMAN FUTURES GROUP

BIRUIN

DAPAT

HINIHINALANG

MAGSIYASAT

MANUEL AMALILIO

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with