^

Punto Mo

Salawahan

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

“Hi wannabet. Itago mo na lang ako sa pangalang Bitter Ocampo. Dahil bitter na bitter ako sa buhay ko ngayon dahil nalaman kong may babae pala ang boyfriend kong iniwan sa Pinas. Umuwi pa naman ako para makapiling siya ngayong darating na Pasko, yun pala ang sasambulat lang sa akin ay silang dalawa ng kabit niya. Bet ang sakit-sakit. Wala na nga ata akong maramdaman. Paano ba maaalis ang sakit na ito? End of the world ko na yata. Please help me.”

Huwag mong sayangin ang oras mo sa taong sinasayang lang ang pagmamahal mo. Sigurado akong hindi siya ang para sa iyo, at hindi siya ang lalaking deserving sa iyo dahil nagawa niya iyan sa iyo. Kung mahal ka talaga kakayanin niya ang distansiya sa pagitan ninyo. Ngunit may mga tao talagang sadyang hindi kayang hindi makapiling ang kanilang minamahal. Bagkus, pinanghihinaan pa kaya mabilis sumuko sa tukso (kung inakit siya ng babae) o kaya naman ay naghahanap lang ng makakasama dahil nalulumbay sa pangingibang bansa mo. Ayoko man siyang husgahan at tawagin ding salawahan subalit wala yatang ibang salitang babagay dahil sa ginawa niya. Sana ay hiniwalayan ka na lang niya kaysa pinagsabay kayo ng isa pang babae.

Huwag ka nang magsayang ng luha sa kanya. Magpokus ka na lang sa trabaho mo. Bumalik ka na kung saan ka nagtatrabaho. Magpasalamat ka pa na malayo ang pagitan ninyo dahil mas mapapadali ang iyong paglimot dahil malayong magkrus ang landas ninyo.

Ipagdasal mo na lang siya at ang bago niyang kinakasama dahil hindi tama ang pinagsimulan ng kanilang relasyon. Ipagdasal mong maging maligaya sila sa halip ng ginawa nila sa iyo. Mas mahihirapan kang mag-move on kung punumpuno ng pait ang puso mo. At siyempre ipagdasal mo rin ang puso mo. Ipag-pray mo na pagalingin Niya ang sakit na nadarama mo. Madalas kasi, pakiramdam natin ay hindi kakayanin ang sakit na nadarama at kailangan ng tulong sa pagsalo nito.

Huwag ka ring mag-atubi­ling idulog ito sa iyong pamilya at malalapit na kaibigan. Mas naibabahagi natin sa iba ang ating poot, mas nababawasan ito at napapalakas nila tayo. Naniniwala kasi ako na hindi talaga nawawala ang sakit ngunit lu­malakas tayo upang kayanin ito.

AYOKO

BAGKUS

BITTER OCAMPO

BUMALIK

DAHIL

HUWAG

IPAG

IPAGDASAL

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with