^

Punto Mo

6 Healthy Habits …ng mga taong matipid:

DIKLAP - Ms. Anne. - Pang-masa

LINAWIN muna natin ang pagkakaiba ng matipid at kuripot. Ang taong matipid ay  matalinong gumastos. Ang kuripot ay may pera ngunit ayaw niyang gumastos.

1. Maintenance

Ang unang ugali ng matipid ay maingat sa kanilang kalusugan. Iniiwasan nila ang pagkaing magdudulot ng sakit. Bukod dito, pinapangalagaan nila ang sarili sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Mas maiiwasan ang gastos sa ospital at doktor kung sa umpisa pa lang ay pangalagaan na ang katawan.

Sinusunod nila ang car maintenance schedule. Mas malaki ang magagastos kung hihintaying masira bago dalhin sa talyer. Tinitiyak muna na puwede pang i-repair ang lumang gamit bago bumili ng bago.

2. Naglalaan ng budget

May nakalaang budget sa mga pinaplanong activities, halimbawa ay family vacation. Noong nagbakasyon kami sa Bangkok, hinati namin ang cash sa aming apat. Ganito ang ginawa namin upang alam ng bawat isa ang limitasyon sa paggastos. Pero nakakatuwa pala at sobrang mura ng mga pagkain kahit sa sosyal na mall kami kumain. Sa budget na 100 Baht per person, dalawang klase na ng pagkaing mabibili kasama na doon ang drinks. Ang mga damit at sapatos ay napakamura kaya kahit wan to sawa ang pamimili na ginawa namin ay may natira pa rin  sa cash na aming baon.

3. Nagre-research

Kapag nagre-research, malaki ang iyong natitipid. Ang una naming inalam ay kung kailan nagbibigay ng mala­king diskuwento sa plane ticket. Pangalawa ay murang hotel ngunit maganda at ligtas  na tirahan. Pangatlo ay transpor­tation system—saan ba makakatipid, sa taxi, train or tuktuk? Panghuli, address ng mall at divisoria type market na super mura pero sosyal ang mga bilihin. Bonus: Pinag-aralan din namin ang modus ng mga local scammers sa mga turista sa pamamagitan ng pagbabasa ng experience ng bloggers na nanggaling na sa Bangkok.

Ang tatlo pang bubuo sa 6 na magandang ugali ng matipid na tao ay 4) alam  ang priority niya: ano ang dapat unahing bilhin o pagkagastusan; 5) alam kung ano ang pagkakaiba ng gusto lang bumili at ka­ilangang bilhin at 6) gumawa sa halip na bumili. Halimbawa, gumagawa na lang ako ng sa­riling ham kaysa bumili.

Mahirap hanapin ang pera kaya dapat lang na kapag pinakawalan mo ito sa iyong wallet, ang kapalit ay matin­ding kasiyahan sa iyong puso.

BUKOD

GANITO

HALIMBAWA

INIIWASAN

KAPAG

MAHIRAP

NAGLALAAN

NAGRE

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with