^

Punto Mo

Maluwag na pagbibigay

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NITONG nagdaang linggo, ang lahat ng Bible readings ko ay tungkol sa pagbibigay. Ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayon.

Mayroong tinatawag na sacrificial giving o ang maluwag na pagbibigay ng tulong ng mga kapos ngunit nais tumulong.

Ang mahalaga sa pagbibigay ay hindi masyado sa halaga kundi sa dahilan at pamamaraan ng pagbibigay. Ito ba ay bukal sa iyong puso? Ito ba ay iyong ginagawa hindi dahil nais mong makatulong at maipakita sa Kanya na ikaw ay nagpapasalamat sa biyaya kung kayat ibinabahagi mo rin ito sa iba, kundi upang maipakita lamang sa mga tao na ikaw ay “matulungin?”

Kahit pa milyon ang ipamigay mo, kung hindi mo naman inaalay sa Diyos ang iyong pagbibigay, ay wala itong halaga sa Kanya. God wants us to give whole-heartedly.

Kung tayo ay binibiyayaan, mas lalo tayong dapat magbigay sa kapwa. Ang lahat ng mayroon tayo ay pawang Kanya, at mula sa Kanya. At tayo ay pawang instrumento lamang upang maibigay sa iba ang para sa kanila. Kapag maraming biyaya sa iyo, ibig sabihin lamang noon ay pinalalawak at nilalakihan lamang ng Diyos ang iyong kapasidad na magbigay. So give.

Subalit binabalaan din tayo ng Bibliya hinggil sa maling pagbibigay. Ayon sa 2 Corinthians 8-12: Tayo ay nararapat na magbigay kung ano lamang ang mayroon tayo. May kaakibat na responsibilidad ang pagbibigay. Nais ng Diyos na tayo ay magbigay at tumulong ng maluwag sa kapwa, ngunit hindi sa puntong masasakripisyo ang para sa mga nakasandal at umaasa sa atin sa buhay. Ha­limbawa, huwag ibibigay sa iba ang dapat na para sa pa-milya mo, lalo na kung gipit  din kayo. Ang nararapat na unahin ay ang pangangaila-ngan ng pamilya. Sabi nga, “Give until it hurts. But not so that it hurts your family or relatives who need your financial support.” And do not give what you don’t have.

Maraming tao ang nag-aatubiling tumulong sa kapwa dahil sa takot na wala nang matira sa kanila. Muli, kung hindi naman masasaktan ng pagbibigay sa kapwa ang iyong pagbibigay at pag-una sa pangangailangan ng mga umaasa sa iyo, huwag mag-alala. God provides. Ngunit huwag din namang umasa lamang sa Kanya. Kailangan ay gawin din natin ang makakaya natin. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.

Mas lalo kang binibiyayaan at inuulan ng grasya, mas lalo kang magbigay. The more you receive, the more you should give.

vuukle comment

AYON

BIBLIYA

DIYOS

KAHIT

KAILANGAN

KANYA

NASA DIYOS

PAGBIBIGAY

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with